I have lived, taught and train the badjaos in our community in Libjo, Batangas for almost 5 years now...life there is so simple. The people live according to what they can only afford in life. In there, I learned that pwede ka pala mabuhay at manatiling masaya kahit kakaunti lamang ang iyong pag-aari. Well, ano-ano ba ang mga pag-aari ng mga tao sa aming community?
Bahay na may apat na poste, na pwede mo ilipat kung saan pwede kang tumira, ma sa lupa man o sa tubig.
Susunod ay ang kanilang mga anak, ang kanilang mga maleta ( ang maleta ay bahagi ng kanilang kultura. Ito ay kasama sa dowry ng lalaki sa kanyang mapapangasawa. At bawat mag-asawa ay mayroong 1 maleta. Ito ay isang napakahalagang kayamanan, na wala namang laman kundi mga damit at mga silver at gold na alahas na bahagi din ng dowry.).
Ang kanilang baul, ( ang baul na yari sa tabla ay naglalaman ng mga damit ng kanilang yumaong mga ninuno).
Ang mga gamit sa bahay tulad ng kaldero, batya, pitsel at kaldero....kalldero...at kaldero.....hahaha! tama...kaldero, dahil hindi uso sa kanila ang pinggan, at kubyertos---- ang buong mag-anak ay nagsasalo-salo ng pagkain sa kaldero! Kamayan galore!
Ang kanilang bangka na ginagamit sa pangingisda at paninihi (pangunguha ng clams ).
At ang kanilang maliit na kahon na naglalaman ng kanilang mga panindang fancy jewelries at cultured pearls.
Yan ang mga simpleng bagay na kung sa atin ay nakakatawa, pero mahalagang kayamanan sa kanila. Na hindi baleng mahirap lang ang buhay, pero nabubuhay at masaya.
Minsan, tayo, meron na ng lahat but we remain discontented... we keep wanting and wanting na minsan may naisa sacrifice tayo na mas mahalaga pa kaysa sa hinahangad nating materyal na bagay.
Sa paglipas ng panahon, nabago ang ilang mga kasanayan ( wow, ang lalim!) dahil na rin sa pagtuturo ng mga misyonero ( sino pa eh di si daddy, si mommy at si ako )....... nabago ang ugali, ang pamumusaysay sa katawan at paligid, ang paniniwala sa Dios at ang pag gamit ng pinggan, at kubyertos!
Unti-unti, natutunan din nila ang makisama sa hindi mga kapwa nila badjao... nagtrabaho pa ang ilan sa kanila sa mga batangeno'ng may mga negosyo.
Naranasan na din nila na pumasok sa Jollibee at kumain. Nakakatuwang tingnan ang kainosentehan ng mga bata na nag-aakalang buhay ang estatwa ni Jollibee sa labas ng Jollibee Store.... na iniiyakan pa habang binababayan! At higit sa lahat, napasok na nila ang SM Batangas! Nandun aq nang first time nila makatuntong doon. Natuklasan nila na ang security guards ay hindi mga pulis! At sa sobrang linis ng flooring ng mall, hinuhubad nila ang kanilang tsinelas... lalo na pag aakyat sa escalator at elevator. Isa-isa nilang natutunan paano sumakay sa mga ito. Aliw na aliw ako!
Kalaunan, nalasahan na din nila ang hamburgers sa Burger King! ito kasi ang paboritong kainan ng aking ama. Kung kaya tuwing Pasko o kaya ay Graduation ng mga batang badjao mula sa kaniang pinag-aaralang public school....doon ang blow out ni daddy at mommy. At wala ng sasarap pa sa hamburger na ito para sa kanila...... pag Pasko at Graduation!!
Hindi nakakakain ng masarap ang mga badjao. Hindi tulad natin na nag me menu pa kada meal. Sa kanila,, napakasarap na ng cassava at isdang halabos na maraming tubig, asin at sili.... yun lang ang sahog! Huwag mo hanapan ng kamatis o ano pa man---- yun lang! yun lang!
At ang miryenda, ang walang kasawa-sawang chichiria ( kasi, piso lang halaga ng chichiria! Hanggang piso lang sila. Yun lang ang kayang bilhin.), at ang mga maliliit na monay na kung tawagin nila ay "bun". Ngunit unti- unti ang ilan sa kanila ay nae engganyo na ding kumain ng masarap...... adobo at spaghetti!
Lumaon, lumalampas na sa adobo at spaghetti. May mga ibang lutong karne na din ang natitikman nila.... pinapaluto ni mommy. Hindi marunong magluto ang mga badjao ng lutong tagalog....yan ang hindi nia matutunang maige.
Minsan, nagpunta kami sa SM Batangas para mamili ng mga biscuits na babaunin ng mga batang badjao na mag-aaral, natatanong ako ng aking kasa-kasamang badjao :
"Teacher, bakit po panay gardenia lang ang binibili ni Pastor na tinapay?" Gardenia bread kasi ang tinapay na pwede kay daddy at mommy na tinapay. Dahil dito, ito na din ang tinapay na laging nasa mesa ng aming family-- ma sa Bulacan o sa Batangas man. Ei, un ang isinagot ko.
" Teacher, ano po ang lasa nyan? " . Haysus! Tiningnan ko lang ang kasama ko. Pero naantig ang aking kalooban! Maryosep, kain ako ng kain ng Gardenia, nalimutan kong di pa pala nila natitikman ang tinapay na ito! Ang sama ko!
Kinabukasan ng umaga, kagaya ng aking nakasanayan ( Palibhasa wala akong kasama sa bahay), bread, coffee and fruits lang breakfast q. Niyaya kong kumain ang mga naglilinis sa aming bahay na mga badjao. Eh, di may kasama na akong kumain! nyahahahaha!!
"Teacher, masarap po pala ang Gardenia!! " .
"Oo naman! " sagot ko. " Ubusin natin!"
"Eh, teacher, mahal po bili nyo dyan.... paano po kau? Nakakahiya po sa inyo."
"Sus! bibili ulet! Tara, kain!! "
"Sana, teacher may magdonate dito sa atin ng gardenia! Para makakain naman kami nyan! Tyak matutuwa lahat!! Mahal to eh! ". hahahahahha!
After many months, we have forgotten that moment. And I was forced to have an indefinite vacation away from the tribe because of an illness triggered by my exposure, fatigue and stress in the communities.... Joshua came, unexpectedly...his painful situation was used by God to bring him to our community.
Joshua.... Joshua Pamalison became my friend through phone and YM, and became an adopted son of my parents! Hala, ipinalit ba sa akin?? Hahahahaha!! Okay lang, ako pa din ang unica ija ng pamilya! nyahahahha!! But we became close, as if he's my real brother.
No one knows what Josh, as I call him, can do for us... we never thought about it. We just want him there, and live with us. We're happy seeing him there. Others call it a risk on our part because we don't know him... but to us, we call that love!
And who can tell that Josh, after few months of staying with us, fulfilled the simple wish of a badjao who ate with me at the table that one morning..... " makatikim ng tinapay ng Gardenia".
Josh was able to make contact with Gardenia and Gardenia made our community a recipient of 50 loaves of Gardenia bread every month ,as their donation!!!! Wish granted!!! Hahahahaha! And everybody's so happy specially the children! And to compensate for the delayed delivery of the Gardenia bread, 130 was their first donation... and next week will be 500 loaves!!! Parang nagising ang community sa santambak na tinapay... parang manna from heaven!
Oh how we thank Gardenia Company for allowing themselves to be God's vessel of blessing to our community.. while others made a second thought of helping our people.... Gardenia didn't!! So we include their company to our prayers that God will prosper Gardenia above their competitors.... the only way we can pay back to their kind heart to us!!
Sabi nga ng mga badjao sa kanilang patotoo na may pinilit na english...
" It's my first time na kumain ng gardenia... ang sarap po! Sosyal na kami! Thank you Lord!"
Thank you Gardenia!
And we thank Josh also.... he's a big blessing to our community, an answer to my very own prayer to send someone who can fill in the space I left.... the outsourcing work newly assigned to me. And a blessing --- that I gained a new friend! A bonggasious friend!! hahahha!!!
God is good....... He grants the simple wish of hearts who has simple intents in life.
Tuesday, May 31, 2011
Tuesday, May 24, 2011
At Umulan !!
I slept for 15 hours.... isa lang ang rumegister sa utak ko pagdilat ng mata ko....mag log in sa Facebook!! hahahhaha!! Ikaw ba naman ang makadinig ng boses habang tulog ka--tinatawag ang name mo na para bang nawawala ka.....ng sampung taon! hahahha! Bakit FB ? He he he
And dami kong nalimutang gawin.... kasama doon ang date ko sa mga dati kong empleyado ng 3pm...magha halo-halo kami at siyempre bonding. I made it naman after they called me 2 minutes before 3pm! Ang ganda! Dinaig ko pa si Flash sa bilis ng pagpunta sa kabilang bayan just to see them. At ang digicam na dala ko pala ay wala ng battery charge..... nalimutan ko din i-check! hahaha!
Walang adventure ang bibeng ito... nag-uumpisa na akong ma bored at ma depress! Pakiramdam ko lalagnatin na aq. At resulta ng "lagnat" na ito ay ang saksakan ng habang katamaran na nararamdaman ko-- sumasabay ang saksakan ng habang pagtulog na parang wala nang bangunan! nyahahaha
Kulang ang saya na naramdaman ko ng pumunta kami ng batangas.....gusto ko tumigil doon pero wala na akong lugar. ..... hayyyy, kay dami nang nawala sa akin, at ang dami ng sakit sa kalooban. Nakatalikod pa ang marami.
Pero may mga di malilimutang nagpaiyak sa akin sanhi ng kasiyahan:
Nakatanggap ako ng P500 mula sa isang estudyante ko sa Badjawan, regalo niya daw sa akin....c Tams! Natatandaan ko pa ang sinulat kong blog post para sa kanilang mag-asawa. Cash ang regalo niya dahil hindi daw nya alam kung ano ang kailangan ko. Tumakbo siya palapit sa akin, muntik na akong yakapin sa tuwa..... hehehe.... bawal yumakap sa amin ng hindi kamag-anak o asawa. Naiyak aq sa P500..... alam ko ibig nya sabihin .....umaasa siya na babalik ako para magturo ulit. ( Nakakainis.....lumalabo na naman ang mga mata ko sa luha!! )
Mga dati kong empleyado....
Hayyzt....
Pag-uwi ko, sabay buhos ng malakas na ulan! May bagyo daw sabi ng mga tao..... wala ako pakialam....mabuti nga uulan...... sinadya kong magpakabasa sa ulan habang naglalakad sa kalye! Ang lamig......ang lakas-lakas ng hangin..... pero masaya! Basang-basa ako......ngunit ang saya-saya!!! Tumatawa akong mag-isa sa ulanan.....wala akong pakialam kung tumatalsik lahat ng tubig sa kalsada sa akin dahil sa mga dumadaang sasakyan! hahahahha!!! Wala akong pakialam!!!!
and I felt like a child again......
sana laging umuulan.....
song:
"Day after day
I must face the word of strangers
where I don't belong...
I'm not that strong.
It's nice to know
that there's someone I can turn to
Who will always care.
You're always there.
When there's no gettin over that rainbow,
When my smallest of dreams won't come true.
I can take all the madness
the world has to give.
But I won't last a day..... without you..."
I won't Last a Day Without You
Monday, May 9, 2011
Talk to Me. --in filipino: Kausapin Mo Ako!!
My visits to the PHC became a point for us- me and my brothers to get together, got some talks and eat. They accompany me...a phenomenon I can consider..hahahha!! Because everybody's so busy and they're not always around....madalas nasa abroad cla and my illness lng pala ang way for us to get together. Pero kulang pa din kami dahil nasa Japan ang isa ko pang brother...hindi uuwi yun, resident na un dun, maliban nlang kung malugi at magsara ang JP Morgan. Nevertheless masaya ang mga araw na yun....at mind everyone...laging on hand si gensec para hatid-sundo ako. Gensec is my second brother. Di nya un tunay na name...un lang tawag namin sa kanya...katuwaan ba, gaya ng tawag din namin sa kasunod kong brother... Hehehehe, lahat ng nasa pwesto sa pamilya namin ay may tawag....para light at hindi masyadong seryoso ang dating.
Sabihin ng marami kabastusan! Ay naku, hindi!! Masyado nang formal ang buhay namin sa family kaya ung mga natuto ng humor ay nag-imbento ng mga tawag na hindi naman masama kundi nagde-describe lng ng work at ugali ng bawat isa.
Bakit kami formal? E kasi formal ang mga ninuno kaya na carry over sa amin. Buti na lang ang new generation namin ay hindi na. Imagine pag reunion namin na once every 5 years lang yata mangyari, sa long table ang pinag-uusapan ay business at ministries....business at ministries....na araw-araw namang kasa-kasama ng bawat isa. Ganun ka formal !
So we- my brothers and I talked a lot in the car,and in the resto, nakakatulugan ko na nga...and guess what are we talking about.... ministries!! ayayayayyy! Maybe because that's our common denominator.
We talked about leadership... Leadership that applies to all settings- church, family, organization, etc.... But what I remember is one of the reasons why a leader fails is his failure to communicate :
One.. when he doesn't know what to say. Hindi niya alam i-express ang nasa isip nya. Madami tao, magaling mag type sa chat ng sasabihin, at magaling magsulat ng gustong sabihin; pero hindi magaling salitain ang gustong sabihin. Pwede bang mag placard para lang masabi na nagagalit ka, or natutuwa or nalulungkot? Hindi maari yun! Sayang ang dila! hahaha
Two... Saying what you want in an unlikely pitched voice. Minsan ang nababasa natin ay hindi ung salita kundi ung paraan ng pagkakasabi ng salita kung kaya nagdaramdam or nagagalit or nag-ma maling akala.
Three.... Saying the words at the wrong time and lastly...saying the words at the wrong place. Pag wrong time at wrong place, kahit gaano kaganda gusto mong sabihin- nagiging mali pa din!
Oh, bonding moment 'yan pero para lang kaming nasa seminar! Hahahahaha!! Pero di namamalayang nauubos ang mga pagkain sa aming harapan.
Kahit naman sa love ganyan din.. (biglang segway eh! )... kapag palpak ang communication, ayos ang relasyon! Kahit si super Mario hindi maayos yan! Tyak may magwa walk out!
Nakarinig ka na ba ng taong nagsasabi ng I love you, pero pagalit ang boses or saksakan ng low tone? Or nakapag relate ka na ba sa isang taong hindi marunong mag-express ng pagmamahal? Ganyan kahalaga ang pag-uusap ng tama, maayos at palagian.
Mahirap magbuo ng isang relasyon, mahirap ding magbuo ng isang group, or institution, kahit na magbuo ng isang pamilya... pero mabubuo kung gusto mo....
......at kung ano ka lang din--- iyon lang din ang mabubuo mo!!
tama???
yeah!
yeah!
Wednesday, May 4, 2011
Saging--"Sa Aking Puso "
Walang bagong adventure sa mga panahon ngayon dahil hindi makagala ang bibeng ito!! Ang pinaka gala ay ang magpilit pumunta sa trabaho at makipag kulitan sa mga manggagamot na wala namang masabi kundi ang mga pauit-ulit na litanyang ayaw ko nang marinig kahit kailan... ang kawalan ng pag-asa! Ngunit ako'y punong-puno ng pag-asa....ewan kung saan nanggagaling ang kapayapaang nasa aking kalooban......siguro dahil natutunan kong tanggapin ano man ang desisyon ng Dios.... anyway, I'm always ready! I can depart with a smile! I've been prepared spiritually..eversince.
I was checking out the enrollment last time when a mommy came in inquiring for his special kid. As she was interviewed by the teacher, I listened to her enthusiasm to seek for a school who can understand and help his kid learn. We don't have a SPED program for special children but I do accept kids with special concerns....training my staff on handling special children, I incorporate these kids with our regular students so they can adapt well, be independent right away. I created an atmosphere of brotherhood inside the school where the older students are the protectors of the younger ones. The older students as the good examples of respect and good attitude. We were successful in eliminating discrimination in the school, so that teasing and bullying are zero in the school.
It is my dream to help special children and children with special concerns like victims of abuses. It was also a weird thinking of mine "what if I have a special child?" ...Malapit daw sa puso ng Lord ang mga batang ganito at mapalad ang mga magulang na may anak na may special concerns. I admire parents who refuse to live in denial to help and support their special children. And I pity parents who chose to deny that they have one special child for fear of being stigmatized. Denial hurts the kid with disability more than discrimination does. Denial robs the kid of his chance to live a fruitful life.
Ayy ang seryoso naman nito.....pero ito ang truth.
Wala nang mapag-usapan sa ilalim ng mainit na panahon....napunta ang usapan sa puso ng saging! Ang Alamat ng Saging!
Isang dalaga daw ang may mangingibig na ayaw magpakita sa kanya dahil sa ang lalaki ay isang pangit na engkanto. Ngunit mahal na mahal daw nito ang dalaga. Madalas itong nagdadala ng mga regalo sa dalaga, ngunit ayaw nitong magpakita. Gustong-gusto siyang makita ng dalaga dahil nahulog na din ang damdamin nito sa lalaking engkantong pangit! hahaha! Isang araw..... may nangyari..... at sa kasamaang palad ay hindi ko maalala dahi may gumambala sa aking pakikinig sa kwento...may tumawag sa sa telepono! At ang naabutan ko na lang ay ang pag da dialogue na ng lalaking engkanto sa dalaga ng " itanim mo ang aking braso sa lupa...tanda ng taos kong pagmamahal sa iyo, ibinibigay ko sa iyo ang aking puso...". Ibinaon nga ng dalaga ang braso ng lalaking engkanto....tumubo ito at namunga ng puso...ito daw ang puso ng lalaking engkanto. At bumuka ang puso, lumabas ang prutas na korteng mga daliri ng tao..... ang mga ito raw ang daliri ng lalaking enkanto! ewww.... sa malakas ang imahinasyon..... tinawag ang prutas na itong "saging"-- " sa 'king puso" .
At naisip ko, habang pinaiikot ko ang aking cellphone sa aking kamay, na kung ang bawat tao ay iibig ng katulad sa lalaking engkanto, siguro marami ang masaya. Eh hindi ako nakuntento dahil ang pagmamahal ay dapat ipinapakita, hindi sinasabi lang. At naglaro sa isip ko ang strawberries at watermelons...ui, summer ngayon! Napaka romantic ng strawberry...red na red ! At apakabigat ng watermelon na pag buhat mo ay ingat na ingat ka na huwag mabagsak dahil tyak na hindi masarap kumain ng durog na watermelon... sana nakuha mo ang ibig kong sabihin. hahahahahaha!!
Marami akong tanong....karamihan walang sagot. Marami akong bagay na napapansin at nakikita na hinihintay ko ang mga kasunod. Para lamang akong nagbabasa ng magazine, sana isang araw matapos na ang pagbabasang ito at maiba naman ang gagawin ko.
Ang buhay ay para lamang pagsusukat ng sapatos sa isang shoe store! May mga may gusto ng makulay at maborloloy na sapatos. Mayroon naman na rubbershoes ang trip na laging isuot. Meron namang iba na simple lang ang gusto. Waang katapusang pagsusukat ang ginagawa hanggang sa makuha ang gustong design, kalidad at sukat. Ganyan ang buhay...kanya-kanyang gusto, kanya-kanyang experimento pano makukuha ang mga bagay na gusto at pangarap.Kanya-kanya din panlasa kung ano ang gustong mangyari s buhay.
Minsan lang ako magkagusto sa isang sapatos...hahanapin ko siya sa mga shoe stores, at kung hindi ko makita ang gusto kong bilhin...hindi na lang aq bibili. Hihintayin kong may lumabas na ganoong klase at pag nakita ko, kahit magkano, pipilitin ko siyang mabili.
Ngunit hanggang ngyon ay hindi ko pa nakikita ang gusto kong sapatos na nasa isipan ko...sana pagpunta ko sa department store sa susunod ay makita ko na.
Umaga na, at hindi ko malaman kung ano ang uunahin kong gawin sa mga bagay na nakalista sa aking isip. Ay sus, may planner aq pero walang nakasulat kundi mga walang katuturan. Bakit hindi isulat sa planner...di ko trip! Kagaya lang yan ng hindi ko kasanayang mag wallet! hahahahahaha!!
Samahan tayo ng Lord sa buong maghapon.....amen.

Subscribe to:
Posts (Atom)