Wednesday, May 4, 2011

Saging--"Sa Aking Puso "

Walang bagong adventure sa mga panahon ngayon dahil hindi makagala ang bibeng ito!! Ang pinaka gala ay ang magpilit pumunta sa trabaho at makipag kulitan sa mga manggagamot na wala namang masabi kundi ang mga pauit-ulit na litanyang ayaw ko nang marinig kahit kailan... ang kawalan ng pag-asa! Ngunit ako'y punong-puno ng pag-asa....ewan kung saan nanggagaling ang kapayapaang nasa aking kalooban......siguro dahil natutunan kong tanggapin ano man ang desisyon ng Dios.... anyway, I'm always ready! I can depart with a smile! I've been prepared spiritually..eversince.

I was checking out the enrollment last time when a mommy came in inquiring for his special kid. As she was interviewed by the teacher, I listened to her enthusiasm to seek for a school who can understand and help his kid learn. We don't have a SPED program for special children but I do accept kids with special concerns....training my staff on handling special children, I incorporate these kids with our regular students so they can adapt well, be independent right away. I created an atmosphere of brotherhood inside the school where the older students are the protectors of the younger ones. The older students as the good examples of respect and good attitude. We were successful in eliminating discrimination in the school, so that teasing and bullying are zero in the school.

It is my dream to help special children and children with special concerns like victims of abuses. It was also a weird thinking of mine "what if I have a special child?" ...Malapit daw sa puso ng Lord ang mga batang ganito at mapalad ang mga magulang na may anak na may special concerns. I admire parents who refuse to live in denial to help and support their special children. And I pity parents who chose to deny that they have one special child for fear of being stigmatized. Denial hurts the kid with disability more than discrimination does. Denial robs the kid of his chance to live a fruitful life.

Ayy ang seryoso naman nito.....pero ito ang truth.

Wala nang mapag-usapan sa ilalim ng mainit na panahon....napunta ang usapan sa puso ng saging! Ang Alamat ng Saging!

Isang dalaga daw ang may mangingibig na ayaw magpakita sa kanya dahil sa ang lalaki ay isang pangit na engkanto. Ngunit mahal na mahal daw nito ang dalaga. Madalas itong nagdadala ng mga regalo sa dalaga, ngunit ayaw nitong magpakita. Gustong-gusto siyang makita ng dalaga dahil nahulog na din ang damdamin nito sa lalaking engkantong pangit! hahaha! Isang araw..... may nangyari..... at sa kasamaang palad ay hindi ko maalala dahi may gumambala sa aking pakikinig sa kwento...may tumawag sa sa telepono! At ang naabutan ko na lang ay ang pag da dialogue na ng lalaking engkanto sa dalaga ng " itanim mo ang aking braso sa lupa...tanda ng taos kong pagmamahal sa iyo, ibinibigay ko sa iyo ang aking puso...". Ibinaon nga ng dalaga ang braso ng lalaking engkanto....tumubo ito at namunga ng puso...ito daw ang puso ng lalaking engkanto. At bumuka ang puso, lumabas ang prutas na korteng mga daliri ng tao..... ang mga ito raw ang daliri ng lalaking enkanto! ewww.... sa malakas ang imahinasyon..... tinawag ang prutas na itong "saging"-- " sa 'king puso" .

At naisip ko, habang pinaiikot ko ang aking cellphone sa aking kamay, na kung ang bawat tao ay iibig ng katulad sa lalaking engkanto, siguro marami ang masaya. Eh hindi ako nakuntento dahil ang pagmamahal ay dapat ipinapakita, hindi sinasabi lang. At naglaro sa isip ko ang strawberries at watermelons...ui, summer ngayon! Napaka romantic ng strawberry...red na red ! At apakabigat ng watermelon na pag buhat mo ay ingat na ingat ka na huwag mabagsak dahil tyak na hindi masarap kumain ng durog na watermelon... sana nakuha mo ang ibig kong sabihin. hahahahahaha!!

Marami akong tanong....karamihan walang sagot. Marami akong bagay na napapansin at nakikita na hinihintay ko ang mga kasunod. Para lamang akong nagbabasa ng magazine, sana isang araw matapos na ang pagbabasang ito at maiba naman ang gagawin ko.

Ang buhay ay para lamang pagsusukat ng sapatos sa isang shoe store! May mga may gusto ng makulay at maborloloy na sapatos. Mayroon naman na rubbershoes ang trip na laging isuot. Meron namang iba na simple lang ang gusto. Waang katapusang pagsusukat ang ginagawa hanggang sa makuha ang gustong design, kalidad at sukat. Ganyan ang buhay...kanya-kanyang gusto, kanya-kanyang experimento pano makukuha ang mga bagay na gusto at pangarap.Kanya-kanya din panlasa kung ano ang gustong mangyari s buhay.


Minsan lang ako magkagusto sa isang sapatos...hahanapin ko siya sa mga shoe stores, at kung hindi ko makita ang gusto kong bilhin...hindi na lang aq bibili. Hihintayin kong may lumabas na ganoong klase at pag nakita ko, kahit magkano, pipilitin ko siyang mabili.

Ngunit hanggang ngyon ay hindi ko pa nakikita ang gusto kong sapatos na nasa isipan ko...sana pagpunta ko sa department store sa susunod ay makita ko na.


Umaga na, at hindi ko malaman kung ano ang uunahin kong gawin sa mga bagay na nakalista sa aking isip. Ay sus, may planner aq pero walang nakasulat kundi mga walang katuturan. Bakit hindi isulat sa planner...di ko trip! Kagaya lang yan ng hindi ko kasanayang mag wallet! hahahahahaha!!

Samahan tayo ng Lord sa buong maghapon.....amen.

No comments:

Post a Comment