Sabihin ng marami kabastusan! Ay naku, hindi!! Masyado nang formal ang buhay namin sa family kaya ung mga natuto ng humor ay nag-imbento ng mga tawag na hindi naman masama kundi nagde-describe lng ng work at ugali ng bawat isa.
Bakit kami formal? E kasi formal ang mga ninuno kaya na carry over sa amin. Buti na lang ang new generation namin ay hindi na. Imagine pag reunion namin na once every 5 years lang yata mangyari, sa long table ang pinag-uusapan ay business at ministries....business at ministries....na araw-araw namang kasa-kasama ng bawat isa. Ganun ka formal !
So we- my brothers and I talked a lot in the car,and in the resto, nakakatulugan ko na nga...and guess what are we talking about.... ministries!! ayayayayyy! Maybe because that's our common denominator.
We talked about leadership... Leadership that applies to all settings- church, family, organization, etc.... But what I remember is one of the reasons why a leader fails is his failure to communicate :
One.. when he doesn't know what to say. Hindi niya alam i-express ang nasa isip nya. Madami tao, magaling mag type sa chat ng sasabihin, at magaling magsulat ng gustong sabihin; pero hindi magaling salitain ang gustong sabihin. Pwede bang mag placard para lang masabi na nagagalit ka, or natutuwa or nalulungkot? Hindi maari yun! Sayang ang dila! hahaha
Two... Saying what you want in an unlikely pitched voice. Minsan ang nababasa natin ay hindi ung salita kundi ung paraan ng pagkakasabi ng salita kung kaya nagdaramdam or nagagalit or nag-ma maling akala.
Three.... Saying the words at the wrong time and lastly...saying the words at the wrong place. Pag wrong time at wrong place, kahit gaano kaganda gusto mong sabihin- nagiging mali pa din!
Oh, bonding moment 'yan pero para lang kaming nasa seminar! Hahahahaha!! Pero di namamalayang nauubos ang mga pagkain sa aming harapan.
Kahit naman sa love ganyan din.. (biglang segway eh! )... kapag palpak ang communication, ayos ang relasyon! Kahit si super Mario hindi maayos yan! Tyak may magwa walk out!
Nakarinig ka na ba ng taong nagsasabi ng I love you, pero pagalit ang boses or saksakan ng low tone? Or nakapag relate ka na ba sa isang taong hindi marunong mag-express ng pagmamahal? Ganyan kahalaga ang pag-uusap ng tama, maayos at palagian.
Mahirap magbuo ng isang relasyon, mahirap ding magbuo ng isang group, or institution, kahit na magbuo ng isang pamilya... pero mabubuo kung gusto mo....
......at kung ano ka lang din--- iyon lang din ang mabubuo mo!!
tama???
yeah!
yeah!
No comments:
Post a Comment