Tuesday, May 31, 2011

Isang Umagang Santambak Na Tinapay

I have lived, taught and train the badjaos in our community in Libjo, Batangas for almost 5 years now...life there is so simple. The people live according to what they can only afford in life. In there, I learned that pwede ka pala mabuhay at manatiling masaya kahit kakaunti lamang ang iyong pag-aari. Well, ano-ano ba ang mga pag-aari ng mga tao sa aming community?

Bahay na may apat na poste, na pwede mo ilipat kung saan pwede kang tumira, ma sa lupa man o sa tubig.

Susunod ay ang kanilang mga anak, ang kanilang mga maleta ( ang maleta ay bahagi ng kanilang kultura. Ito ay kasama sa dowry ng lalaki sa kanyang mapapangasawa. At bawat mag-asawa ay mayroong 1 maleta. Ito ay isang napakahalagang kayamanan, na wala namang laman kundi mga damit at mga silver at gold na alahas na bahagi din ng dowry.).

Ang kanilang baul, ( ang baul na yari sa tabla ay naglalaman ng mga damit ng kanilang yumaong mga ninuno).

Ang mga gamit sa bahay tulad ng kaldero, batya, pitsel at kaldero....kalldero...at kaldero.....hahaha! tama...kaldero, dahil hindi uso sa kanila ang pinggan, at kubyertos---- ang buong mag-anak ay nagsasalo-salo ng pagkain sa kaldero! Kamayan galore!

Ang kanilang bangka na ginagamit sa pangingisda at paninihi (pangunguha ng clams ).

At ang kanilang maliit na kahon na naglalaman ng kanilang mga panindang fancy jewelries at cultured pearls.

Yan ang mga simpleng bagay na kung sa atin ay nakakatawa, pero mahalagang kayamanan sa kanila. Na hindi baleng mahirap lang ang buhay, pero nabubuhay at masaya.

Minsan, tayo, meron na ng lahat but we remain discontented... we keep wanting and wanting na minsan may naisa sacrifice tayo na mas mahalaga pa kaysa sa hinahangad nating materyal na bagay.

Sa paglipas ng panahon, nabago ang ilang mga kasanayan ( wow, ang lalim!) dahil na rin sa pagtuturo ng mga misyonero ( sino pa eh di si daddy, si mommy at si ako )....... nabago ang ugali, ang pamumusaysay sa katawan at paligid, ang paniniwala sa Dios at ang pag gamit ng pinggan, at kubyertos!

Unti-unti, natutunan din nila ang makisama sa hindi mga kapwa nila badjao... nagtrabaho pa ang ilan sa kanila sa mga batangeno'ng may mga negosyo.

Naranasan na din nila na pumasok sa Jollibee at kumain. Nakakatuwang tingnan ang kainosentehan ng mga bata na nag-aakalang buhay ang estatwa ni Jollibee sa labas ng Jollibee Store.... na iniiyakan pa habang binababayan! At higit sa lahat, napasok na nila ang SM Batangas! Nandun aq nang first time nila makatuntong doon. Natuklasan nila na ang security guards ay hindi mga pulis! At sa sobrang linis ng flooring ng mall, hinuhubad nila ang kanilang tsinelas... lalo na pag aakyat sa escalator at elevator. Isa-isa nilang natutunan paano sumakay sa mga ito. Aliw na aliw ako!

Kalaunan, nalasahan na din nila ang hamburgers sa Burger King! ito kasi ang paboritong kainan ng aking ama. Kung kaya tuwing Pasko o kaya ay Graduation ng mga batang badjao mula sa kaniang pinag-aaralang public school....doon ang blow out ni daddy at mommy. At wala ng sasarap pa sa hamburger na ito para sa kanila...... pag Pasko at Graduation!!

Hindi nakakakain ng masarap ang mga badjao. Hindi tulad natin na nag me menu pa kada meal. Sa kanila,, napakasarap na ng cassava at isdang halabos na maraming tubig, asin at sili.... yun lang ang sahog! Huwag mo hanapan ng kamatis o ano pa man---- yun lang! yun lang!

At ang miryenda, ang walang kasawa-sawang chichiria ( kasi, piso lang halaga ng chichiria! Hanggang piso lang sila. Yun lang ang kayang bilhin.), at ang mga maliliit na monay na kung tawagin nila ay "bun". Ngunit unti- unti ang ilan sa kanila ay nae engganyo na ding kumain ng masarap...... adobo at spaghetti!

Lumaon, lumalampas na sa adobo at spaghetti. May mga ibang lutong karne na din ang natitikman nila.... pinapaluto ni mommy. Hindi marunong magluto ang mga badjao ng lutong tagalog....yan ang hindi nia matutunang maige.

Minsan, nagpunta kami sa SM Batangas para mamili ng mga biscuits na babaunin ng mga batang badjao na mag-aaral, natatanong ako ng aking kasa-kasamang badjao :

"Teacher, bakit po panay gardenia lang ang binibili ni Pastor na tinapay?" Gardenia bread kasi ang tinapay na pwede kay daddy at mommy na tinapay. Dahil dito, ito na din ang tinapay na laging nasa mesa ng aming family-- ma sa Bulacan o sa Batangas man. Ei, un ang isinagot ko.

" Teacher, ano po ang lasa nyan? " . Haysus! Tiningnan ko lang ang kasama ko. Pero naantig ang aking kalooban! Maryosep, kain ako ng kain ng Gardenia, nalimutan kong di pa pala nila natitikman ang tinapay na ito! Ang sama ko!

Kinabukasan ng umaga, kagaya ng aking nakasanayan ( Palibhasa wala akong kasama sa bahay), bread, coffee and fruits lang breakfast q. Niyaya kong kumain ang mga naglilinis sa aming bahay na mga badjao. Eh, di may kasama na akong kumain! nyahahahaha!!

"Teacher, masarap po pala ang Gardenia!! " .

"Oo naman! " sagot ko. " Ubusin natin!"

"Eh, teacher, mahal po bili nyo dyan.... paano po kau? Nakakahiya po sa inyo."

"Sus! bibili ulet! Tara, kain!! "

"Sana, teacher may magdonate dito sa atin ng gardenia! Para makakain naman kami nyan! Tyak matutuwa lahat!! Mahal to eh! ". hahahahahha!

After many months, we have forgotten that moment. And I was forced to have an indefinite vacation away from the tribe because of an illness triggered by my exposure, fatigue and stress in the communities.... Joshua came, unexpectedly...his painful situation was used by God to bring him to our community.

Joshua.... Joshua Pamalison became my friend through phone and YM, and became an adopted son of my parents! Hala, ipinalit ba sa akin?? Hahahahaha!! Okay lang, ako pa din ang unica ija ng pamilya! nyahahahha!! But we became close, as if he's my real brother.

No one knows what Josh, as I call him, can do for us... we never thought about it. We just want him there, and live with us. We're happy seeing him there. Others call it a risk on our part because we don't know him... but to us, we call that love!

And who can tell that Josh, after few months of staying with us, fulfilled the simple wish of a badjao who ate with me at the table that one morning..... " makatikim ng tinapay ng Gardenia".

Josh was able to make contact with Gardenia and Gardenia made our community a recipient of 50 loaves of Gardenia bread every month ,as their donation!!!! Wish granted!!! Hahahahaha! And everybody's so happy specially the children! And to compensate for the delayed delivery of the Gardenia bread, 130 was their first donation... and next week will be 500 loaves!!! Parang nagising ang community sa santambak na tinapay... parang manna from heaven!

Oh how we thank Gardenia Company for allowing themselves to be God's vessel of blessing to our community.. while others made a second thought of helping our people.... Gardenia didn't!! So we include their company to our prayers that God will prosper Gardenia above their competitors.... the only way we can pay back to their kind heart to us!!

Sabi nga ng mga badjao sa kanilang patotoo na may pinilit na english...

" It's my first time na kumain ng gardenia... ang sarap po! Sosyal na kami! Thank you Lord!"

Thank you Gardenia!

And we thank Josh also.... he's a big blessing to our community, an answer to my very own prayer to send someone who can fill in the space I left.... the outsourcing work newly assigned to me. And a blessing --- that I gained a new friend! A bonggasious friend!! hahahha!!!

God is good....... He grants the simple wish of hearts who has simple intents in life.

2 comments:

  1. TWO THUMBS UP! Na pa iyak ako when I read it. Thank you ate tess.. It encourage me more to ask God to make me as a channel of blessings.

    ReplyDelete
  2. hi ms. tisha..good morning..i'm JR REYES from filipiniana hotel-calapan..may we have any contact or information of my JOSHUA PAMALISON?..we just need to communictae with him regarding his stay in our hotel...please contact us at our number for more details..09089751558, 09166770184, 09329778900... we are asking for your urgent reply..thanks and good bless..

    ReplyDelete