I haven't stop loving......"
The hardest question ever thrown at me in every event I attended ay sasagutin ko na. Ito 'yun:
"Di ka ba nalulungkot , you didn't re-marry? Pano ginawa mo?"
Actually, isa lang yan sa mahihirap na tanong na pinupukol sa akin ng mga taong kilala ako at nakikilala ko.... kahit saan. Mga tanong na namimilipit ang dila ko sa pagsagot. Kasi naman, hindi ako comfortable sumagot sa mga personal na katanungan kapag ang kaharap ko ay hindi naman "royal bff" ko! hahahaha! May ganun...
Ang mga kasunod na tanong niyan ay:
" Paano mo pinalaki ang mga bata?"
" Paano pag may sirang bagay sa bahay?"
" Ano work mo? Paano pag kinakapos ka sa pera?".......etc....etc....etc..
And dami! Mga tanong na nagpapataas ng kilay ko....kasi magmumukhang interview sa Startalk ang mga pagsagot ko!
Eh, bakit ngayon eh sasagutin ko na? Simple lang.... special request eh! hahahahahaha!! Pero hindi lahat ay sasagutin ko, kasi mag mumukhang diary ang blog ko!!
First and foremost.....hinga muna ng malalim, sabay inom ng malamig na tubig! wahahahaha!
At pag pasensyahan ang style ko sa pagsulat..... kasalanan ni Bob Ong at ni Manix Abrera yan! Mga manunulat na nag inspire sa aking utak sa pagsusulat......... ng blog! whew!
It's true! For 15 years I raised our lives alone. Anybody can do that because simply you have no choice. Yang "No Choice" option na 'yan ang magtutulak kahit kanino para mag survive. At iyan ay nagiging rule.....samantalang noong bata ka pa ay hindi mo pinapansin ang salitang "No Choice".
I worked hard....so hard na naging 25-26 inches lang ang sukat ng waistline ko. At para matipid, ipana putol ko ang aking mahabang buhok. Actually, hindi talaga pagtitipid sa sabon ang dahilan ng pagpapaputol ko ng buhok. Dalawang kadahilanan, na huwag na natin pag-usapan.
Ipokrita ako kung hindi ko aaminin na nakaranas ako ng depression --- malalim na salita na ang depression (pinaghalo-halong sadness, hopelessness at loneliness yan), na napaka hirap i-battle lalo na't hindi dapat mahalata ng mga bata na may ganun akong pakiramdam. It took me a year to move on but 7 years to overcome my depression. At ang masaya sa 7 years na 'yun....walang nakahalata! Ahahaha!! Feeling ng lahat ng tao sa paligid ko ay wonderwoman ako at saksakan ng yabang na hindi aq umiiyak o sumusuko man...pero echos ko lang 'yun! Ang totoo nyan.... iyakin ako! hehehe
Super lungkot ang maging single pero hindi ako tumigil sa kalungkutan. Naisip ko na walang mangyayaring maganda kung laging malungkot ang disposisyon ko. Walang mangyayari sa bawat daing na lalabas sa akin....kaya hindi ako dumadaing....tiis...tiis..tiis... ngunit dapat nang matapos ang lahat ng lungkot na dala ng pag-iisa. (kay lalim!)
I did the first step...... acceptance! Tinanggap ko ng buong puso ang bagong sitwasyong ito. Nagpasalamat ako sa Lord sa lahat ng nangyari. Minsan akala natin natanggap na natin ang lahat ng pangit na sitwasyon sa ating buhay. Hindi mo totoong natanggap ang isang bagay kung sa sandali ng kakapusan, kahirapan at kalungkutan ay may reklamo o pagdaing na lalabas sa 'iyong bibig, o mabubuo sa iyong isipan... ang salitang "sana" ay senyales ng pain...pain of rejection.
Masaya kong natanggap ang lahat lalo na ng ma diskubre ko na totoo pala ang "joy of the Lord". Hindi ako manang or relihiyosong tao..... personal na relasyon lang sa God ang meron ako. Ang panalangin sa akin ay tulad ng pag ngiti habang kinakain ang isang pagkaing ayaw na ayaw kong kainin. Ni hindi mo rin maririnig sa aking bibig na parang binusang mais ang salitang " Si Lord", "Kay Lord", "praise the Lord"....tataas ang kilay ng mga kabaro kong babasa nito....kasi po, hindi ako ganun. Asus...malalayo tayo ng usapan...ahehehe.
That joy created the what you see now on me. That joy is like a seed....nandun lang yun...minsan napapatungan din ng sadness pag maraming burdens to bear, pero sadness doesn't last long. The happy disposition surface readily. It's like a sponge that absorbs water.
Ei, paano ko nakuha yun? From realization.....who am I in Him. That I am loved and cared by Him and loved by many people around me....kahit magulo pa ang paligid-ligid. I searched and answered "who am I?", "what I am?", "why am I here?", "what is my purpose of being?". I nurtured those for 7 years. Allowed the positive answers to grow inside me and let it out.
I did that---- build that foundation in me first...cause if I don't, I won't be able to build a strong foundation in my kids. And I proudly say, I was successful in building strong foundations in my kids. And other things followed like values, personality, aptitude, etc... and they can now exist without me. What I have, I simply transferred to them in a loving yet consistent manner.
The procedure.....hayyyy.....kay haba at sanga-sanga... hindi kasya ang one page dito.
I just don't forget that weak parents produces delinquent youth. Strong parents produces balanced youth. Ooppsss..... ibang strong ang sinasabi ko. Violent parents are not strong ones....they are weak, insecured ones... and they need counseling attention.
Then I learned man's things like fixing roof, broken pipes, worn out walls, paint walls, fixing doors, broken furnitures, appliances, etc..etc... yeah...I have my tool box!!! ahahaha!! I got a sewing box and a tool box!! Watta life!
And sangkatutak na diskarte major! Ui, importante yan..
Ei, masaya pala ang buhay ko kahit ganito. Oo nga! Pwede namang maging masaya kahit isa ka lang sa buhay....but still I believe that to every someone is a someone from the Lord. (Gara ng english ko.) And xmpre am waiting and praying for that. Pero kahit kailan hindi ko inisip na hindi ko makakaya ang mabuhay kapag walang kabiyak na kasama. Hindi ko kailanman binuo sa isip iyan! Maraming babae ang naniniwala na hindi sila giginhawa at mabubuhay kapag walang kasamang lalaki.... sorry pero totoo...hindi iyon trip trip lang ng mga babae, iyon ay isang truth na nagpapakita ng bahaging mahina ng isang babae na kailangan niyang pagtagumpayan. Kasi, paano kung maubos ang mga lalaki sa mundo?? Aber, paano na? At paano na kung hindi palarin na makapag-asawa?? Magiging bitter na?? hahaha! Naman!
Sabi ng aking eldest na batikan sa pagsulat ng article...magulo daw ang aking istilo...iisipin pa ng magbabasa kung ano ang ibig kong ipahiwatig. He he he he! Kung naguguluhan ka sa nababasa mo ngyon, sundin mo ang sinabi ng aking eldest: Isipin at hanapin mo kung ano ang malinaw ko namang sinabi dito. Hahaha!! Malinaw nga!
Sadya ko yan.... para mag-isip ka ding katulad ko!
End.
No comments:
Post a Comment