Wednesday, April 27, 2011

Ahh ahh Ahh Yeah…….Uuuuh Uuhh !

Thursday, April 21st, 2011

When you read my title dapat you know how to sing, and read it in the tune of ” Barbie Girl ” by Aqua..hahaha!

It’s my 2nd fever day…dami ko na nakikita nakadilat man o nakapikit, lola at lolo ko na lang ang hindi! nyahaha! Huwag! Magiging pula ang kulay ng Manila Bay , mawawalan ng hangin ang Pilipinas at mababawasan ng sasabihan ng “biscotso u!” ang mga ka Ward ko sa FB. Madaming iiyak at may kokonting hahalakhak. Hindi ko pa balak magpasaya ng buhay ng mga pangetz! hahaha

Masaya naman ang hybernating period ko. Imagine, nakapag pasaya ako ng isang pusong naghahanap ng katapat, na itinapat pang Biyernes Santo ang date nila! At above all nice things…friend ko na ulit si Marya!Hahaha!

Dapat nangingilin tayo ngayon….. sabi ng mga tao sa paligid. Nangingilin naman ako ah, araw-araw nga….pruweba? Hindi ko pinapuputulan ang bangs at side burns ko, panay likuran lang ang pinuputulan ni Tonet. One year na! At uyy ha, madami ng pabor na ibinigay ang Lord sa akin. And I am so grateful!

Life is what we imagine it to be. It’s what we created inside us..pero minsan hindi ganoon. Kasi hindi naman tayo nag-iisa sa mundo. No matter how hard we try to protect our own lives, intruders and guests come in. And whatever belief we may hold on to, affected tayo lagi sa walang katapusang pagbabago ng mundo. Kahit ang peace inside will be affected, kaya nga may mga taong 24/7 practicing ng “no resistance” technique para mapanatilli ang peace within. But there is no peace as the peace beyond understanding from letting all things to God.

Today is Holy friday. Namimiss ko noong bata pa kami nina Weng, Caloy, Rowel, Edgar at May…nanonood kami ng mga nagpipinetensya, mula sa pagtatatoo ng mga bubog sa likod ng mga lalaki….sa pag-aabot ng itlog at tubig sa nadedehydrate ng mga pinetensyador (teka, wala namang nag-abot ng itlog at tubig kay Jesus noong Siya ang nagdala ng krus ah? Ang daya ng mga ito!), hanggang sa pagtalon nila sa ilog pagkatapos para maligo, maalis ang mga dugo; hanggang sa pag-iinuman ng alak sa gabi…kasi tapos na silang magsisi sa mga nagdaan nilang kasalanan….kaya gagawa na ulit ng mga bagong kasalanan! ahahahha!! Nakakatuwa ang tao..hindi niya malaman paano mahuhugasan ang kanyang mga pagkakamali kaya kung ano-ano naiisip….umiinit tuloy ang paligid! Kung alam lang natin, may nagaganap na hindi maganda tuwing Mahal na Araw! Ayy…saka na yan! Ibang usapan yan!

Kay daling mapatawad ng God ang ating mga kasalanan. Ayon sa nabasa ko sa Biblia… pusong mapagkumbaba lang ang kailangan natin sa paghingi ng tawad sa Diyos, at kilalanin si Jesus bilang Panginoon natin at Tagapagligtas. At nabasa ko pa na sinabi ni Jesus na pag ginawa natin yun ay tapat Siya at banal na patatawarin at kakalimutan ang ating mga ginawang mali! Uyy, gusto ko ung “kakalimutan” … maraming tao, ayaw lumimot sa ginawang mali ng iba, eh pare-pareho lang naman na nagkakamali. Sa mga nagkasala sa akin at galit sa akin dahil mas maganda ako kaysa sa kanila (echos!)…peace be with you! Bati na tayo! Wala na akong pakialam kung ayaw nyo! hahahha!……….Oooppsss, ituloy natin ang nabasa ko. Hindi lang pala tayo patatawarin ng Diyos kundi pag namatay pala tayo, sa heaven ang tungo natin! Ayy, gusto ko yan, kaya go ako dyan! Sana lahat ng babasa nito, go na din sama ko!! Naniniwala kasi ako na nag buhay ay hindi lang dito…may kasunod pa, ung after this ba!!

Hayy, napapagod na ako! Maliit na naman tingin ko! Eh, tatlong blogs itong niyayari q..ei, pano, gusto kong may magawa at may mai share na ideas. Tagal dumating ng fishballs!!

My coffee was served on bed…” para kanino ka bumabangon ina?” ahaha! …” Ikaw, para kanino ka bumabangon ?” tanong ko din…….. Kasi nag-iisip ako! nyahaha!

Ang sarap ng coffee ko….ei, para kanino ba ito? Minsan, nakakainip ang buhay kasi walang layunin…panay pera! pera! pera! Nakakainis na ‘yang papel na ‘yan na iba’t-ibang kulay..nagpapaikot ng buhay ng tao! Pwede namang hindi! Imagine, ang daming lumulungkot ng dahil sa papel na ‘yan! Samantalang pwede namang hindi!

….

Ayan., naisip ko din…………..gumigising ako tuwing umaga para sa mga taong ayoko pang silang sumaya! nyahahahhaha!!! Pano ba ‘yan— hahahaha!!

We should always have a reason for our being…..wag lang sa love! Because real love has no reason at all. God’s reason for creating us and dying for us is simply because He loves us and He is happy having us around kahit na marami sa atin ay suwail at pasaway!

It is nice to realize that life is short. Life is fantastic. It is a gift. It wasn’t meant to be ugly…. we made it ugly when we had a choice to make it beautiful. Life is not all material. It’s not a plastic thing. It is you and me.

Ang hirap ng may fever….tapos nagpapanic mga tao sa paligid mo…….tulog ka…. gigisingin ka….tapos sasabihin sa iyo….”cge, tulog ka ulit! ”

“bakit?”…. ” Eh, kasi ang himbing mo matulog…di ka kumikilos.”

“ha? dapat ba nagsasayaw ako habang natutulog?”

“Matulog ka na…. gisingin ulit kita mamaya..” waaaaaaaaaah

No comments:

Post a Comment