Yan! Yan ang topic na gusto ko isulat! Tagal ko nang iniisip pero di ko mabuo. Iniisip ko kung paano ko sasabihin na dumadating sa buhay ng tao na ang iba pang mga bagay- bagay ay nagiging options na lang.
My two weeks were filled with people I talked to…most of them, I just listened to. Buti na lang “malaki mga tenga” ko at mahina memorya ko pag sabihan na ng sikreto! ha ha ha ha! Mapalad sila!
Ito lang ang napagsama-sama kong kaisipan:
1.Hindi kailanman ultimate dream ang pagyaman! Malungkot din ang mayroon ng lahat ng bagay. Nasasabi ng marami na mali ako kasi hindi pa sila tunay na mayaman, kaya tuloy pa din ang pangangarap kahit na gising.
2. Hindi materyal na bagay ang susukat sa pagkakaroon ng lahat ng bagay. Ay naku, ang hirap isapangungusap ng isang ito! Sa ingles: it’s not material things that will conclude that you have everything in life! Yesss! Nasabi ko din. Maraming tao ang nagsasabi na they have everything in life na hindi dahil mayroon siya ng lahat kundi dahil natutunan niya ang tunay na kahulugan ng salitang “buhay”.
3. Ang kawalan ng kakuntentuhan sa sarili ang nagtutulak sa tao upang maghangad ng maghangad. Marahil, hindi nila lubusang natutuklasan kung ano ang nilalaman ng kanilang mga sarili at madalas nabibigyan natin ng maling kahulugan ang salitang “kuntento”. Pasintabi sa mga business coaches!
4. Ang pag dadaigan at pagpapataasan ay nagbubunga lang ng matinding kawalan—kawalan ng katahimikan at originality!
5. Kung masaya ka pala sa yong buhay, lalo na at ang saya ay galing sa kalooban…ang iba pang mga bagay ay “options” na lang. Maging ang pakikipag relasyon ay isang option. At kung option ang isang bagay—ito ay pwedeng wala at pwede ring nandoon. Kung mawala ito, hindi ito isang kawalan at kung present naman ito, ito ay karagdagan—complimentary to what is already there. Mas masaya yata ang ganito…less pain pag dumating ang kabiguan. Kaysa sa need mo ang isang bagay at biglang nawala, marami pa sa patak ng ulan ang iyong iluluha at makikilala mo na ang salitang “moving on.”.
6. So, ang dapat pala ay tunay kang masaya! Hindi saya-sayahan lang na dala ng mga gimmick at mga tao sa paligid. Saya na kahit nag-iisa ka ay hindi ka makakaramdam ng pag-iisa.
Parang napaka seryoso ng approach ko dito….boring ika nga! Napaka seryoso naman kasi ng mga inspirasyon ko sa issue na ito. Hindi bagay sa isang tulad ko! ha ha ha ha!
Akala naman nila hindi ako marunong malungkot…parang nakadikit na ung “smile” sa mukha ko araw at gabi! Hindi ah, normal ako…marunong akong malungkot at magalit. Tumataas din ng kilay ko at bumababa afterwards….nanatiling nakababa kahit many days. Pero ang saya ko ay galing sa loob dahil natuklasan ko kung ano ang essence ng buhay ko. Isang bagay na hindi kayang bilhin ng pera.
Next year, tuloy ang early retirement ko…. at excited ako!!!
Para sa akin…hindi pa din buo ang isang ito!
No comments:
Post a Comment