Napakainit ng panahon kahapon…nakadagdag sa mabigat kong pakiramdam. Kung hindi nga lang kailangang magtiis para suportahan ang maliliit kong mga mag-aaral sa pakikipagtunggali (ang lalim!) nila sa Sectoral Meet ng Bulprisa, umuwi na ako kaagad!
Napakainit at napakaraming tao. Dumami dahil sa mga mag-aaral na may dalang mga palang kamag-anak. Ang iba, isang baranggay yata ang dala at mistulang picnic ground ang venue ng competition. Napakaraming tao kung kaya sa kainipan ay napansin nang lahat ni Marlet ang bawat nagdadaan habang busy ang kanyang kamay sa pagpaypay sa akin, para lang mapawi ang kanyang pagkainip at ako ay matawa.
Sa inis ko nagyaya akong bumaba at kumain na lang kami ng dirty ice cream habang aliw na aliw sa pagpronounce ng mga words ala british accent ang spelling master na ikina sa shock ng mga contestants!
“Contest Level I ( Grade I to II )
Spelling master: “Our next word is ” wobbled” pronounced as ” w-o-be-led”.”
Tatlong basong softdrinks at isang basong ice cream ang naubos ko sa inis…inis sa dami ng tao at init, at inis sa pamamaraan ng spelling contest. As I expect it, lumabas na tulala ang contestant namin! Pero natuwa din ako dahil mas maraming mas tulala kaysa sa aming contestant!!! Ha ha hahaha!!!
Why trying to sound like british when the tongue is bekimon?
While eating ice cream…nakisabat ako sa usapan:
“Oo nga, ano ba nagustuhan mo dyan sa darling mo eh inaabot naman ng pintas sa yo?”.
“Ewan ko nga po ba ma’am..” sagot ng aking tinanong. Si Marlet yun ang pintaserang empleyado ko na pag natutuwa (?) ay tinatawag akong ” Ma’am Betty Boop”.
“In fairness ha? Ang tyaga nya…araw-araw hatid sundo ka.”
” Oo nman ma’am. Love na love ko yun…”
“Laki nga ng ebidensya eh! E bakit gnun, pintas ka ng pintas, love na love mo nman pla?”
“Eh ganun po talaga ako! Kaya nga po ako bumabale kay teacher ng P100″.
“Ha? Para saan P100?”
“Pagagawan ko po ng ngipin ang darling ko!”
Nasamid aq…hihirit na naman c Marlet. ” Kaya ba di ngumingiti?”
“Opo. Wala po ipen!”.
“Eh, P100. Ano mabibili mo dun? Ngipin ni drakula mabibili mo! Ung nabubunot sa palabunutan na may kasamang apa at lobo!”!
“Okay na po yun sa darling ko un!” Ha ha ha ha ha!
“Lekat ka Marlet! ”
“Aba ma’am kahit ganun un, love na love q un!”
Oo nga.. ang ex ni ma’am ay di hamak na mayaman at magandang lalaki…pero ang pinili nyang mahalin ay si Darwin na isang tricycle driver, mahirap lang, di gwapo….at walang ngipin! …ngunit mahal na mahal siya! Naniniwala ako na mahal na mahal ni Marlet si Darwin dahil naging piping saksi ako sa mga hinamak nilang sitwasyon para lang magkatuluyan sila. Isa ako sa takbuhan ni Marlet. Nakuha ni Marlet na bugbugin at palayasin ng mga magulang dahil sa pagmamahal niya kay Darwin! At sa Disyembre, manganganak na si Marlet…panganay nila ni Darwin.
“Sabi ng tatay ko ma’am, hindi nasusukat sa ngipin ang pagmamahal!”
” Ha ha ha ha ha!”
Nakakatawa na nakakaiyak ang magmahal. Wala nga daw sukatan. Hindi itsura. Hindi kalagayan sa buhay. Hindi pera. Hindi kakayahan at mga katangian. Di na kailangang sukatin ang pagmamahal para lang mapatunayan na totoo ang nararamdaman. Walang bait ang nanunukat ng pagmamahal! Bawat tao ay iba-iba lang ang pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
Minsan natatanong ng marami–paano malalaman kung tunay kang minamahal ng isang tao? Isa lang ang sagot ko– nararamdaman mo yun. No other person can tell you..ikaw lang, and you know it inside you.!
Nasusukat ba ang pagmamahal mo? Kung nasusukat….Hindi ka tunay na nagmamahal!
No comments:
Post a Comment