Hindi madali ang magsulat, lalo’t sa isang blog na kagaya nito na mababasa ng marami. Sa dami ng mga bagay at mga taong aking naiingkwentro sa araw-araw, hindi ko malaman kung paano ko pagsasama-samahin ang mga naoobserbahan at naiisip ko patungkol sa mga ito. At hindi ko malaman kung ano ang mga nararapat na mga salitang gagamitin ko para ilarawan ang mga nasa isip ko.
Hanggang isang araw, huminto na lang ako sa pagsusulat. Dahil hindi naman ako talagang manunulat, hindi ko masisi ang sarili ko sa paghinto. Ngunit, marami talagang naglalaro sa aking isipan sa tuwing lalabas ako ng bahay at mag- umpisang maglakbay.
Salamat sa mga nagbabasa ng aking blog! Nalilibang ako sa ginagawa kong ito at sana nakakatulong naman ako sa mga bumabasa ng lahat ng sinusulat ko dito.
Dahil wala akong maisulat, pagtyagaan na lang ninyong basahin ang mga sumusunod:
1. “Not Yet Home Before Dark” - (care ko!) dahil madalas akong abutin ng gabi sa lansangan… galing sa trabaho, galing sa isa pang trabaho o kaya sa iba ko pang pinagkakaabalahang gawain sa simple ngunit minsan ay masalimoot ngunit napaka makulay kong buhay! Ha ha ha ha!
2. “ang-bibing-gala.blog.friendster.com”- dahil inihalintulad ng mga magagandang anak ang kanilang ina sa isang “bibi”, hindi dahil sa makembot ang aking pwet kundi dahil daw lagi akong lumulutang sa mga mistulang tubig-pagsubok sa buhay. Hindi nababasa, hindi lumulubog, langoy lang ng langoy! Saan naman kaya pupunta ang bibing ito? Buti na lang, hindi “ugly duckling” ang naging title ad ng blog na ito!
Tama ang hula mo: hindi ako ang nag lay out ng blog na ito!
3. Tumutukoy ito sa mga aral na natututunan ko sa bawat tao, bagay at pangyayaring nasasalubong ko araw-araw sa kalsada ng buhay.Hindi nito laman ang aking mga iniisip. Ang aking mga kaisipan ay matatagpuan sa www.cantkeepmymindshutup@blogspot.com. Ngunit huwag nang tangkaing basahin dahil masyado siyang maingay, mabibingi ang sinomang babasa! Pinigilan ang aking bibig sa pagsasalita kung kaya’t isip ko lamang ang nagsasalita.. mas maingay ang isip kaysa sa bibig! Subukan mo…
4. Si Kian, ang isang friend ko dito sa friendster ang nag-inspire sa akin na mag blog. Hindi ko pa kilala ng personal pero malaki naitulong niya sa akin dahil… nalilibang ako! Ha ha ha ha!
5. Si Bob Ong ang writer na paborito ko, kung kaya’t paling-paling ang paraan ko ng pagsulat! Sulat kalye ang namana kong sistema kay Bob Ong. Ngunit nakaaaliw ang mga aklat niya, may mga tagong aral na di mo makikita sa ibang aklat. “Si Kapitan Sino” ang natatanging bagay na binili ko noong Pasko na regalo ko sa sarili ko pagkatapos ng isang taong paghihirap sa pagtatrabaho! Ang cheap daw!
6. Hindi totoong hindi ako naglakbay noong Disyembre kung kaya wala akong masabi! Madaming lugar akong natutunang puntahan mag-isa, marami rin akong mga taong nakilala na nagbigay sa akin ng maganda at pangit na inspirasyon.
a. Nagkaroon ako ng bagong pamilya– ang pamilya ni Pearsian! Nakikihati? Hindi ah! Tinanggap lang nila ako at madalas ako sa kanila pag may panahon ako, at sa kanila ko natuklasan na hindi ko na maalis sa aking katauhan ang maging “kikay”. Hindi na malaman ni Pearsian kung kailan ako nagbibiro at kung kailan ako seryoso. Wala daw pagkakaiba! Haa??? Ganun? Sabi ng aking classmate, siguro iyon daw ang sikreto ko kaya di ako tumatanda! Binola pa ako!
b. Nakilala ko at nakita ang aking mga kaklase at kaeskwela sa MCU 1982 batch! Maraming beses at maraming kasiyahang dinala sa buhay ko ang event na ito! Dito ko natutunan na unawain ang maraming bagay patungkol sa pakikipag relasyon. Imagine!. Dito ko nahaka-haka na ang “pag-ibig ay parang isang damo!” at kung gaano ka obsolete ang konsepto ko ng makabagong pakikipagrelasyon. Hmmm. masyadong seryoso! Dahil sa event na ito, natuklasan kong maliit na bahagi na lang ng utak ko ang okupado ng etchoserong lalaking nakasakay sa dilaw na motorsiklo!
c. Nakaharap ko din ng harapan ang mga taong dati ay sa kwento-kwento ko lang napapakinggan. Napahanga ako sa bilis ng mga pangyayari na para bang nakasulat sa langit na makatagpo ko sila sa isang di inaasahang pagkakataon! Ang labis na nakakatuwa ay tinanggap nila ako at naging kaibigan! At nagkaroon pa ng maraming mga pag-uusap. Minsan, hindi mo maunawaan ang takbo ng tadhana at ang gusto ng kalangitan. Totoong ang isip natin ay tunay na mas mababaw at mababa kaysa sa kaisipan ng Maykapal! ( Ang lalim!! Nakakalunod!)
d. Nakaharap ko din ng personal si Rico matapos ang 3 taon. Kaibigan ko lang siya sa celphone dati, ngayon, talagang magkaibigan na kami, at nagkita rin kami after 3 years! Yap, 3 taon kaming di nagkikita! Kaibigan ko siya dahil ino-okray ko siya madalas! Inaaway at inaasar! Kaya friend ko siya!!
e. Napadalas ang pambubwisit sa akin ng babaing taga-Pasig! Hindi ko alam kung bakit masyado siyang insecure, pero mas maiinsecure siya pag nakita niya ako!!! Ha ha ha ha! Yabang!! Nasukat niya ang aking pasensya at aking pagpipigil sa sarili! Natutunan ko din sa kanya ang tamang pagsagot sa bawat masasakit na pananalitang binitawan niya ng hindi tumulo ang pawis sa aking noo! Ngayon, siya ang inspirasyon ko sa mga pagbabagong ginawa ko sa aking sarili! At nanghihinayang ako na hindi ko siya nakaharap o nakilala ng personal. Tama ka, di nya ako kilala pero ganun lang ang pang-ookray nya sa akin! Sayang at di siya tinangay ng baha noong bagyong Ondoy! Di bale next year na lang! Ha ha ha! She gave me the best flattery in life! Dapat ko ba siyang pasalamatan? Ano siya, masaya?!!! Hindi noh!! ha ha ha!
f. Sa aking bagong lugar ay may bagong buhay. Masaya kahit tatlo lang kami! Bumabalik na ang sarap kong magluluto maging ang pag-aasikaso ng bahay. Matagal ding binawi ito sa akin ng mga pangyayari at panahon, at ngayon….
pagod na ako… 3 oras na ako dito, mahal na babayaran ko!
Umiihip ang hangin ng aking buhay… nag-iiba ng direksyon at gusto ko siyang sundan!!
No comments:
Post a Comment