It’s been a long time I haven’t seen this blog…. masyado na akong nalulong sa Facebook… I forgot I got other accounts… hmmm, that’’s not a good idea!
My life suddenly made a halt, unexpectedly…and that’s not a good idea either…of the heaven! But whatever, there could be a purpose. Uuuhhhh, I miss everything I was doing specially the “gala”. Dami ko pa na naman na naiisip gawin after my early retirement from Agatha…that is one month na lang. Naiisip kong mag gala ng mag gala sa lahat ng pwede kong kaladkarin sa aking idea na pag-aralin ang lahat ng bata sa mga katribuhan sa Pilipinas! Hahahahha! Feeling DepEd ang dating q.. parang walang katapusang pangarap ang ginawa ko para sa mga walang pangarap kundi ang kumain, maghanap ng kakainin at magparami! Kung mayaman lang ako! Kung…. kung….kung… panay kung!!
Now feeling ko masisira ulo ko kakaisip paano gugulong ulit ang makulay kong buhay na punong-puno ng aksyon! Hahahahha! Hanap ng hanap ng sagot sa mga “bakit?” ko at sa sangkaterba kong “ano?” kaso walang nagyayari…nasasabit lang ako sa mga footbridge ni Ginna , nalulunod at naiiyak sa nakakalitong move on video ni Ricky, abang ng abang sa aninong ewan kung may balak pang tubuan ng mga laman upang maging tao at basagin ang aking eardrums sa walang katapusang listahan ng mga kanta sa Youtube! Asus, sulit na sulit ang bagong bili kong computer sa pagpapalipas ko ng oras samantalang ninamnam ang pagmamahal at pagbabantay ng aking mga kaibigang laging nandyan na buwisit na buwisit kapag naiisip kong magpaulan dahil napaka init!! Hahahahha!!
Nami miss ko ang pagpupuyat sa pagtuturo, pagluluto pag may feeding days, pagtawid sa dagat kahit di ako marunong lumangoy na pakiramdam ko ay hindi ako kayang lunurin ng dagat at kagatin ng mga whatsoever sa tubig. Nami miss ko ang makipaglaro ng piko sa mga bata, makigulo sa mga tao, umawat ng mga nag-aaway, gumising ng maaga para sa mga eskwela, sumayaw ng igal at tapusin ang aking pag-aaral na sayawin ang kulintangan at higit sa lahat, namimiss ko ang luto ng aking nanay at ang mga chocolates at brownies na laging iniuuwi ng aking tatay sa akin.. gustong-gusto kong kinakain habang nasa bed sa gabi at pagkatapos ay itatapon ko ang lahat ng pinagbalatan sa lupa ng sabog- sabog para may wawalisin ang mga tao sa umaga!! Ganyan aq kabait!! hahahahha!
Nami miss ko ang umakyat sa puno at sa bubungan at mamangka ng nakatayo sa bangka feeling badjao. Namimiss ko si Hanna, ang batang laging humihimas ng aking buhok at yumayakap sa akin kapag nakikita niyang pagod na ako. Namimiss ko din ang bahay kong parang laging nasa epicenter ng lindol…doon ko nalalanghap sa hangin kung may darating na bagyo at kung may naghahanap sa akin sa ibang lugar. Nami miss ko ang mga paniki, ang mga bulaklak na pilit kong pinalalaki sa picture at higit sa lahat, na mi miss ko ang mga halakhak ko pag nandun ako… nandun ang buhay ko…nandun ang saya ko…. pero wala akong magawa.
Hayyzzz, wala na silang “”prinsesa”…. wala na ding “sunflower”… natatawa ako pag tinatawag akong ganyan…. lahat-lahat na mi miss ko….lahat hinahanap ko. Nakakainis!!
Saan kaya ako dadalhin ng pangyayaring ito?? Sana kung saan man maging kapaki-pakinabang pa din. wala nang thrill ang buhay ko..natapos ko na ang mga dapat kong gawin sa aking pamilya..halos tapos ko na lahat maliban sa para sa aking sarili.. Ei, ngyon ko pa lang naiisip yun at sana hindi mawaglit sa isip ko na naisip ko pala yun at dapat ko ituloy.
Ganun pa man, masaya pa din ako kahit huminto ang pag-ikot ng aking oras…. mabuti nga yun, di pa ako tatanda! hahahaha! Kahit may mga bagay na nawala, masaya pa din ang makulay at maaksyon kong buhay kahit maraming nagpapaiyak sa akin, wala ako care!
” Hindi lang magagandang bagay ang dapat nting tanggapin mula sa Dios, maging masasamang bagay din dahil ang lahat ay may dahilan..”
Uyyy…. excited ako….. madami akong tatanggaping chocnuts!! hahahahhaha!!!
No comments:
Post a Comment