1. Huwag problemahin ang problemang hindi kayang lutasin. Malulutas din iyan ng kusa.
2. Huwag isipin at intindihin ang taong ayaw kang isipin at intindihin din. Sayang ang itim na buhok!
3. Hindi kailangang lagi magbigay ng paliwanag. You don’t need to prove everything. Sayang ang energy, save it, may crisis ngayon.
4. Huwag tumalikod sa mga taong isang araw ay babalikan mo din pala.
5. Huwag pumapel sa buhay ng ibang tao lalo na’t di ka kasama sa script. Pangit ang maging extra. Wala talent fee!
6. Maging mabait sa sarili huwag lang sa ibang tao dahil pagdating ng araw at nawala ang ibang tao, ikaw lamang ang matitira at ang sarili mo.
7. Mamuhay ng malinis ang kunsensiya at walang atraso sa ibang tao. Mahirap umani ng bad karma habambuhay dahil sa mga mali mong gawa, kahit anong pagsisikap mo- di ka uunlad sa buhay.
8. Matutong magpatawad sa bawat kasalanang nagagawa sa iyo ng ibang tao, upang maging masarap ang tulog sa gabi. P120 ang halaga ng pantanggal ng eyebags! Di mo kaya un, poor ka kasi!
9. Huwag nang balikan ang mga taong bumabalik sa iyo na ginive up ka na at sinaktan ang iyong damdamin dati. Baka sa susunod na saktan ka nila ulit ay magwala ka na at makapatay ka pa ng tao– sayang ang beauty mo! Mahirap makulong, walang internet dun!
10. Huwag aksayahin ang panahon sa pag-iisip ng mga tanong na walang kasagutan. Kahit baligtarin mo ang mundo, hindi mo makikita ang sagot dahil itinatago nila sa iyo!
11. Matutunan mag-isa. Huwag matakot. Marami kang matututunan.
12. Iwasan ang madaming salita. Hindi nagbubunga ng maganda. Paikot-ikot lang.
13. Laging ngingiti at piliting maging masaya araw-araw upang madaling pumasok ang pera.
14. Huwag maging tamad dahil baka maging kasabihan at kwentong bayan ang buhay mo.
15. Ang buhay ay maganda ngunit maikli, mamuhay ng tama at i-enjoy ito!
Ito ang aking mga natutunan sa babaing taga Pasig na minsan ay hindi ko nakita at di ko nakilala ngunit ginulo ang nananahimik kong buhay. Sana wala nang maging mga katulad niya.
Ito naman ang mga natutunan ko sa aking paglalakbay noong Sabado, ika-29 ng Nobyembre, 2009, alas 3 ng madaling araw:
1. Kung lumiliit ang iyong mundo, palakihin mo- kaya mo naman. Mahirap lumakad ng mabagal na, patagilid pa!
2. Kung may gusto kang makuha sa buhay, huwag mo tatanungin ang sarili mo ng “Kaya ko kaya?”, sa halip ay “Paano ko kaya makukuha ang gusto ko?”.
3. Madalas hindi importante kung paano mo nakuha ang isang bagay kundi ang kung napunta ba sa iyo ang bagay na gusto mong makuha.
4. Nangungusap pala ang God sa akin, di ko napapansin dahil sobrang saya ng kapaligiran ko.
…kaya, silent mode muna ako.
No comments:
Post a Comment