Nawala ang isi-nave kong draft ng entry para sa blog post ko na ito. Ito ay dahil sa pagkakatingin ko sa pangalan ng aking blog site sa itaas. “Himig-sa-Magdamag.blog”? ang basa ko, sa halip na “ang-bibing-gala.blog…” Mali ba ang site na sinusulatan ko? Bakit ganun? Dali-dali kong isi-nave ang tinatype ko. Ngunit ng kusustin ko ang aking mata– ako ay nasa site ko! Ano ba ito? Hinanap ko ang si-nave kong draft ngunit di ko na matagpuan. May nagbibiro ba sa akin? Nagbasa kasi ako ng post sa himig-sa-magdamag blog site kanina. Nag gala kasi ako sa mga accounts na nag view sa akin!
Sinusulat ko sana ang naimbento kong kasabihan mula sa panonood ko ng mga taong pumapasok dito sa shop araw-araw lalo na’ kapag ako ang duty. Lahat ng tao dito ay nag cha chat araw-araw, oras-oras. Walang kasawaan! At sa mga pakikipag kwentuhan kapag nakakaramdam ako ng pagkabagot, inaamin ko na nagkaroon ako ng paghanga sa mga taong pumapasok dito sa shop. At doon ko nakita na nakakainis pala ang salitang “love”!
Bakit? “Ang pag-ibig ay parang damo! Tumutubo kahit saan!” Dahil para itong damo, tumutubo ito kahit sa maganda at di magandang lupa, sa disyerto, sa batuhan, sa tubigan, kahit saan, kahit na doon sa lugar na akala mo ay hindi ito mabubuhay- tutubo pa din and damo! Ganyan ang pag-ibig! Wala siyang pakialam kung ano”ng klaseng pagkatao mayroon, anong size, anong itsura, anong kakayahan, anong lahi, kahit ano pa ang amoy at kalagayan sa buhay…walang pakialam ang mala-damong pag-ibig na ito! Tutubo siya sa ayaw mo at sa gusto!
At dahil dito gising pa ako hanggang ngayon at sa tingin ko ay puyat na puyat na ako, huwag ko lamang mapakawalan sa aking isipan ang linyang naimbento ko na pinagtatawanan ko habang ipinagsasabi ko sa mga kasama ko sa bahay pagkatapos manood ng walang kamatayang “Moments of Love” ni Dingdong at Iza!
Wala akong iniibig sa ngayon, ngunit mayroon akong kaisipang pinagkakaabalahan, dahil parang gusto ko nang maniwala na ang pag-ibig ay tadhana ang nagtatakda! Masisira ba ang paniwala ko na ang kaligayahan ay isang pagpili? Marahil ay hindi.. pipiliin ko pa rin naman kung tadhana o uulitin ko na naman ang ginawa ko noong araw na mas pinili kong huwag tanggapin na minahal ko ang isang tao, sa halip ay umurong ako at mas pinili ang lumayo ng malayong-malayo at ngayon, kung binabalikan ko sa aking isipan, ako ay nanghihinayang. Ngunit tapos na ito! ...At hindi ko maintindihan ang sarili kong kaisipang ito...hahahha
Pagpili at tadhana pa rin! Ang pag-ibig ay parang damo!
Hindi ba nakakainis?
Ngunit masaya!!
No comments:
Post a Comment