I'll be on your side
forevermore..."
Umaga na, hindi pa din aq inaantok. "Yan ang huling lyrics ng song "That's What Friends Are For" na inabutan ko. Hindi ko malubos maisip na heto ako, nakikinig ang radio sa cellphone habang naglalaro ng Wings of Destiny at parang diary na naman ang blog post kong ito. Nagagawa ko na ding manood ng tv araw-araw.
Bawat umaga ay kay hirap. Gayundin bawat gabi. Daig ko pa ang paniki, kulang na lang ay tubuan aq ng pakpak at sumabit sa sanga ng isang puno! Korek, ang hirap matulog! Wala akong insomia -- active lang ang aking RF ( rheumatic fever).
digicam shot of panasahan river during sunset
Minsan, hindi maiwasang lumabo ang ating pananaw sa ilang mga bagay sa ating buhay. Hindi ito masama, hindi rin naman masaya ang makaranas ng ganitong panlalabo. Lumilipas din naman ang mga ganyan, wag lang pipilitin upang hindi mahirap. At hindi ibig sabihin "sunset" na, ay ending na. Gabi ang kasunod ng sunset, at kahit madilim ang gabi, may mga stars naman na nagpapaganda ng gabi, hindi pa kasama ang buwan dun.
Walang umagang hindi aq umiiyak. Mahirap sabihin. Mahirap ding aminin. Wala ring gabing hindi ako umiiyak. Paano mo ipapaliwanag na nakakaramdam ka ng kawalan ng pag-asa, kalungkutan, kawalan ng lakas at panghihina ng loob. Ako na tagapayo ng marami sa loob ng tatlong dekada, heto ako hindi ko mapayuhan ang aking sarili na maging matatag. Sabi ko nga kay Tagapagligtas, " ang galing kong magpayo noh?Pang award!" hahaha.
Butterflies in pxl.r express apps
Maraming paraan ng pagpipinta at pagguhit upang maging maganda ang gustong ilarawan. Maaring watercolor, oil, pencil, charcoal at ang latest ngayon adobe photoshop! Maaring pagandahin at gawing makulay ang buhay ayon sa ating pagpili...pagagandahin ba o hindi? Ito ba nag sistemang gagawin mo o iba para gumanda at sumaya ang buhay. It is always a choice.... pero ako : I have no choice!
I was wondering if Joseph the Dreamer ever felt like mine? Binasa ko ulit ang kanyang kwento sa Bible, ngunit walang sinabing nakaramdam siya ng lungkot, galit, takot o ano pa man. Ang maikling pangungusap lang na " But God showed him His steadfast love." sa panahon ng kanyang mga hirap, pagtitiis at paghihintay.
Marami akong iyak pero kailanman hindi ako nagtanong sa Dios. Lagi-lagi lang, "ayy help me!" to the nth power! Wala kasi akong makitang pintuan ng buhay. Lahat ay sarado. Wala kahit isang bintana, na makakita man lang ako ng pag-asa at wala akong choice kundi pagandahin ang aking buhay....ang nalalabing buhay.
Babangad River, Malolos City
Hindi hadlang ang mga tubig upang makapagtayo ng bahay. Kung nais na mabuhay at maging masaya, hindi aalintahanin ang mga "risks" na kasama ng pagiging masaya. Hindi magiging malalim ang pananaw sa buhay at hindi magiging kahanga-hanga ang buhay kung hindi makakaranas ng mga pagsubok at hindi lahat ng pagsubok sa buhay ay bunga ng kasalanan o kapabayaan. Minsan, ang mga ito ay pinayagan ng Dios sa ating buhay upang maipakita Niya sa atin ang Kanyang pagmamahal at mabigyan Siya ng luwalhati dahil may gagawin siyang himala!!! O......... glory by death! Ayy, nagkaliwanag ang aking isip.
Ricefield ni Kulas
At ako ay nagpanatang makabuhay , " Gagawin ko ang aking makakaya sa lahat ng bagay na mangangailangan ng aking best hanggang sa kung gaano katagal at kalayo ko aabutin. Maging maiksi man o mahaba ang aking itatagal sa mundo, bahala na po Kayo sa akin. "
At bumukas ang dalawang pintuan na sakto sa aking kakayanan at lakas. Pagkakataon upang maging masaya at makulay ang buhay.
Umiiyak pa din ako ngunit hindi na ako hihinto. Hindi kagaya noong mga nagdaang araw na nais ko nang huminto sa buhay.
Sana hindi ka din huminto.
Sunset. Kaliligawan River, Malolos City, Bulacan
Hindi mo ba napapansin na mas magandang pagmasdan ang sunset kesa sa gabi at madaling araw?
No comments:
Post a Comment