Thursday, March 28, 2013

Panahon Na



Ang post na ito ay inspired ni Nogie. Dahil Mahal na Araw ngyon, mag-alala tayo ng huling mga wika ni Jesus. Sa totoo lng MK at PK ako pero hindi ko kabisado at hindi ko alam saan hahanapin ang Seven Last Words. Hindi ko yun pinagtuunan ng pansin dahil para sa akin, kuntento na ako sa pagkabuhay na muli-- ung Palm Sunday! 

Dati, dumadalo kami sa pagbasa ng Pitong Huling Wika sa simbahan, ayy, ito ay parusa sa aking mga mata --in short, wala ako naintindihan at ako ay inaantok!

Ngayon , naisip kong mag sakripisyo ng sarili ko sa pamamagitan ng paglalahad ng mga repleksyon ayon sa mga nagdaang panahon ng makulay kong life.


Luke 23:34   " Father, forgive them for they do not know what they're doing"

Mahirap magpatawad ng mga taong nagkasala sa iyo lalo na at may koneksyon sa sa ating buhay ang mga taong nakasakit sa ating damdamin. Kung ibang tao lamang --maari pang tawanan. Ngunit ang "forgiveness" ay parang love at life -- it is a choice. Hindi nating pwedeng sabihin na napakasakit ng naramdaman natin. Kung pinili mong magpatawad, magagawa kahit anong bigat ng kasalanan. Ngunit kung ayaw natin, kahit walang wenta ang issue na nakasakit sa atin--pwede mo patagalin ng 100 years ang pagiging bitter mo. Choice ang mag forgive kaya nga ang opposite ng forgiveness ay pride. Kaya nga hate ng God ang pride, pero hindi Niya hate ang nasaktan at nakasakit.   

Yan ang naisip ko nung natutulog pa ako sa mga kalye ng Munoz, North Ave, ilalim ng puno, sa hamugan sa damuhan...kung saan man ako padparin ng aking mga paa sa panahong isa pa lang ang kulay ng aking daigdig --- itim! Kahit anong hirap, gutom, sakit at galit ang aking naramdaman, naalala ko ang mga litanyang iyan sa krus ni Jesus Christ. Nagpatawad ako kahit walang humihingi sa akin ng tawad. Pinatawad ko din ang aking sarili dahil sa kawalan ko ng lakas at kakayahang lumaban. Pagkalipas ng maraming taon, humingi rin ng tawad sa akin ang mga may kinalaman. Hindi na naging mahirap na sila ay tanggapin ko. 

Masarap sa kalooban ang magpatawad. Nagpapakita lamang ito ng kababaang- loob. Sabi ng Biblia, mapalad ang mga mapagpatawad.... hala, kasi mas nakakatulog ng mahimbing ang taong mapagpatawad. Mas mapayapa siyang nakakapag lakad sa kalye at kahit saan pa. Mas malawak ang mundo niya, at mas masaya.



Luke 23:43 : "Truly I say unto you, today you will be with me in paradise.

Sinabi ni Jesus ito sa magnanakaw na nanampalataya kay Jesus doon ora mismo sa krus habang iniintay niya ang kanyang kamatayan.  

Dati, takot ako mamatay. Yun ngang loob ng cabinet I hate so much, mamatay pa! At ayaw ko sumasakay sa elevator kasi feeling ko mamamatay ako! But, death is inevitable. Lahat tayo mamamatay. But when Jesus found me I began to see death as a happy thing. Nawala takot ko..in fact, I was almost there three times! Sayaanggg! Wew! Death is the only way to be with God.. I want to see the fullness of His glory. Kasi dito sa earth, small portion lang ng glory Niya ang nakikita ko at nararanasan. 

When we have Jesus, death has no sting. It is wonderful to die...siyempre, His way not ours. Kasalanan magpakamatay. Hindi atin ang ating buhay. 

Gaya ng magnanakaw sa krus , the only way to beat death is have Jesus in our lives.


John 19:26-27  "Jesus said to His mother: "Woman this is your son". Then He said to His disciple, " This is your mother."

Relationships are very important to God. Nagbilin talaga Siya dahil aalis na Siya. Kaya ang relationship ay hindi kayang palitan ng salapi at kayamanan. Nauubos ang pera pero hindi ang mga taong may relasyon sa iyo. nakakalungkot na napakadalas na ipagpalit ako ng mga kaibigan ko sa salapi at kayamanan.. awa ng Dios, wala na sila. Nagtayo na sila ng kani-kanilang kahariang naging panandalian lamang ang tatag! Ngunit napatawad ko na sila..gusto nila yun eh! May magagawa ba ako? Waleeeyyy! 


Matthew 27:46  " My God! My God, why has thou forsaken me?"

God the Father  has to forsake His son Jesus kasi to die in the cross is the only way to pay for our sin. Minsan kinakailangan tayo namakaranas ng hindi maganda upang matutunan nating pansinin na may Ama pala tayo sa langit na may kontrol ng lahat ng bagay. According to biblical studies, tumalikod ang God the Father noong nag sa suffer si Jesus sa cross. Two reasons according to them : One, Ayaw makita ng Father ang paghihirap ni Jesus dahil nasasaktan ang kanyang damdamin. Second, tumalikod Siya dahil alam Niya kung ano ang mangyayari pagkatapos ng cross --- Christ will rise again and the planned salvation for mankind will be complete.

Long darkness has come upon my life before, and salamat sa kaisipang natutunan ko: "All things work together for good to them who love the Lord, to them who are called according to His purpose. "          
 ( Rom.8:28) Hindi ko naisip na ako ay pinabayaan ng Dios. When He says, it is in control.. it is ! Huwag lang tau maiinip.


John 19:28  " I thirst."

Ayy ang inet! Lahat ng tao ay nauuhaw. Ngunit maraming tao ang nauuhaw sa maraming bagay. Si Jesus ay nauhaw dahil dehydrated na Siya dahil sa organ damage na resulta ng flogging. 

Nauuhaw ako, hindi sa pagmamahal... madami ako nyan! Hahahaha. Nauuhaw ako sa presence ng Lord. Seriously speaking, yan ang secret ng umaapaw kong joy at nang mabagal kong pagtanda, even my strenght inspite of my illness.  Madalas ako tanungin kung ano ang secret ko--well, iyan! How to experience it? That's another topic.

Ikaw, san ka nauuhaw?


John 19:30 " When Jesus had received the wine, He said, "It is finished." and He bowed His head and handed over the spirit.

Jesus gave up..He let the Father take charge of His life. Who is taking charge of your life and mine? Noong ako ang naghahawak ng buhay ko, laging sablay, malungkot at nakakatakot! I learned to trust Him...in everything. Nasawa din ako sa pagmamaneho ng lahat sa buhay ko...napagod at sumuko, "Okay Lord, do Your best shot!" At natutunan ko na hindi lahat ng bagay ay kaya kong gawin, hawakan at tapusin. 


Luke 23:45  "Jesus cried out in a loud voice, " Father, into Your hands, I commend My spirit."

The sacrifice is done. Tapos na ang bayaran para sa ating mga kasalanan. Ganon Niya tayo kamahal! It is finished! Lahat ng bagay may katapusan, pati problema at kabiguan...mananawa din yan! Ang mahalaga ay alam natin na ang God ang in-charge.

Jesus paid for our sins! Wala na tau gagawin pa kundi have faith at kilalanin na Siya lamang ang pwedeng manirahan sa puso mo. Lahat ng mali natin --barayad na lahat! Ano nag ipinambayad?? Christ's blood on the cross. We all have the reason to rejoce!


Ang haba.. ang serious.




I am so thankful for setting me free and making me understand that He has paid for all my sins, now and in the future. It is a joy overflowing.




No comments:

Post a Comment