“Maraming nagagawa ang malalim na pag-iisip. Isa sa mga paborito kong ginagawa habang nag-iisip ay ang mag-malling. Paborito ko ang SM North Edsa. Tambayan ng mga friends, mag boyfriends at mga nagnenetworking! Madalas ako dito dahil malaki ang screen ng Time Crisis IV at de-token pa siya. Di tulad sa Mall of Asia.
Laking gulat ko nang makita ko ang nag-iisang taong wala daw mukhang iharap sa akin upang magpaliwanag sa mga panlolokong ginawa niya sa akin.
Magandang lalaki pa rin siya! Ngunit di na gaya ng dati!Mabango pa din tingnan. Bagamat may pagka moreno, bakas pa din ang kagandahang lalaki! (Grabe ang tagalog ko! Ang hirap!). Ngunit napuna ko na magaspang ang kanyang balat at medyo nabubutas na ang kanyang mga pisngi dahil dumadami na ang mga taghiyawat sa kanyang mukha! Bagay na dati ay ayaw niyang magkaroon.
Ang mga pangit na pagbabago sa kanyang balat… naisip ko na ito ba ang bunga nga pakikipagrelasyon sa isang “elepante”?
Sinamantala ko ang pagkakataon ng aksidenteng pagkikitang ito! Dalawang buwan din namang itinago niya ang kanyang pagmumukha sa akin. Na kahit ano’ng assurance ang ibigay ko na kahit puwet nya ay iharap niya sa akin kung wala siyang mukha para magpaliwanag.
Ngunit ano’ng dismaya ko nang di man lang ako pansinin at sa halip ay nais pa yata akong iwasan. Pero di ako nagpatalo- hiningi ko pa din ang paliwanag niya kahit na kung ano-ano pa ang binibintang niya sa akin tungkol sa kanyang inaabangang tao. Ngunit bigo ako!
Sa isang maling sagot na nagpapanting sa tenga ko, sagot sa tanong ko na kung bakit di siya nagpapakita sa akin upang kausapin ako na maayos…. isang MALAKAS NA SAPAK ang pinawalan ko sa kanyang mukhang tinutubuan na ng mga taghiyawat!
Wala na akong nakita kundi siya. Pakiwari ko ay kami lang dalawa ang nasa hallway ng 3rd floor ng SM North Edsa! Sumakit ang dibdib ko, hindi upang atakihin kundi sa galit! At hindi ko na mabilang ang mga sapak, sampal at tuhod na pinawalan ko sa kanyang mukha!
Hindi niya sinalag mga sapak ko. Marahil ay dahil alam niya ang laki ng atraso niya sa akin! Sabay talikod ko… ayaw ko na ulit siyang makita!
Wala akong masabi! Para akong binusan ng malamig na tubig! Ngunit pakiramdam ko ay lumaya ang aking damdamin at pumanatag ang aking isip!Naipagtanggol ko din ang aking kaapihan na ipinagkait ng lalaking ito sa akin sa loob ng dalawang buwan! Hindi ako nagsisi na minahal ko ang lalaking ito...nagsisi lang ako sa klase ng pagmamahal na iniukol ko sa taong ito.
Ngunit masaya na ako! Nakakainom na ako ng kape at nakakakain na ako ng madami! Nakakatulog na ako ng mahimbing at isang katawa-tawang karanasan na lamang si Icer!”
Ang Bibing Gala– Bakasyon muna….
No comments:
Post a Comment