Thursday, October 17, 2013

"Mas"

"In good times and bad times
 I'll be on your side
 forevermore..."

Umaga na, hindi pa din aq inaantok. "Yan ang huling lyrics ng song "That's What Friends Are For" na inabutan ko. Hindi ko malubos maisip na heto ako, nakikinig ang radio sa cellphone habang naglalaro ng Wings of Destiny at parang diary na naman ang blog post kong ito. Nagagawa ko na ding manood ng tv araw-araw.

Bawat umaga ay kay hirap. Gayundin bawat gabi. Daig ko pa ang paniki, kulang na lang ay tubuan aq ng pakpak at sumabit sa sanga ng isang puno! Korek, ang hirap matulog! Wala akong insomia -- active lang ang aking RF ( rheumatic fever).

digicam shot of panasahan river during sunset

Minsan, hindi maiwasang lumabo ang ating pananaw sa ilang mga bagay sa ating buhay. Hindi ito masama, hindi rin naman masaya ang makaranas ng ganitong panlalabo. Lumilipas din naman ang mga ganyan, wag lang pipilitin upang hindi mahirap. At hindi ibig sabihin "sunset" na, ay ending na. Gabi ang kasunod ng sunset, at kahit madilim ang gabi, may mga stars naman na nagpapaganda ng gabi, hindi pa kasama ang buwan dun.


Walang umagang hindi aq umiiyak. Mahirap sabihin. Mahirap ding aminin. Wala ring gabing hindi ako umiiyak. Paano mo ipapaliwanag na nakakaramdam ka ng kawalan ng pag-asa, kalungkutan, kawalan ng lakas at panghihina ng loob. Ako na tagapayo ng marami sa loob ng tatlong dekada, heto ako hindi ko mapayuhan ang aking sarili na maging matatag. Sabi ko nga kay Tagapagligtas, " ang galing kong magpayo noh?Pang award!" hahaha. 


Butterflies in pxl.r express apps

Maraming paraan ng pagpipinta at pagguhit upang maging maganda ang gustong ilarawan. Maaring watercolor, oil, pencil, charcoal at ang latest ngayon adobe photoshop! Maaring pagandahin at gawing makulay ang buhay ayon sa ating pagpili...pagagandahin ba o hindi? Ito ba nag sistemang gagawin mo o iba para gumanda at sumaya ang buhay. It is always a choice.... pero ako : I have no choice!

I was wondering if Joseph the Dreamer ever felt like mine? Binasa ko ulit ang kanyang kwento sa Bible, ngunit walang sinabing nakaramdam siya ng lungkot, galit, takot o ano pa man. Ang maikling pangungusap lang na " But God showed him His steadfast love." sa panahon ng kanyang mga hirap, pagtitiis at paghihintay.
Marami akong iyak pero kailanman hindi ako nagtanong sa Dios. Lagi-lagi lang, "ayy help me!" to the nth power! Wala kasi akong makitang pintuan ng buhay. Lahat ay sarado. Wala kahit isang bintana, na makakita man lang ako ng pag-asa  at wala akong choice kundi pagandahin ang aking buhay....ang nalalabing buhay.


Babangad River, Malolos City

Hindi hadlang ang mga tubig upang makapagtayo ng bahay. Kung nais na mabuhay at maging masaya, hindi aalintahanin ang mga "risks" na kasama ng pagiging masaya. Hindi magiging malalim ang pananaw sa buhay at hindi magiging kahanga-hanga ang buhay kung hindi makakaranas ng mga pagsubok at hindi lahat ng pagsubok sa buhay ay bunga ng kasalanan  o kapabayaan. Minsan, ang mga ito ay pinayagan ng Dios sa ating buhay upang maipakita Niya sa atin ang Kanyang pagmamahal at mabigyan Siya ng luwalhati dahil may gagawin siyang himala!!! O......... glory by death! Ayy, nagkaliwanag ang aking isip.



Ricefield ni Kulas

At ako ay nagpanatang makabuhay ,  " Gagawin ko ang aking makakaya sa lahat ng bagay na mangangailangan ng aking best hanggang sa kung gaano katagal at kalayo ko aabutin. Maging maiksi man o mahaba ang aking itatagal sa mundo, bahala na po Kayo sa akin. "

At bumukas ang dalawang pintuan na sakto sa aking kakayanan at lakas. Pagkakataon upang maging masaya at makulay ang buhay.


Umiiyak pa din ako ngunit hindi na ako hihinto. Hindi kagaya noong mga nagdaang araw na nais ko nang huminto sa buhay.

Sana hindi ka din huminto.




Sunset. Kaliligawan River, Malolos City, Bulacan

Hindi mo ba napapansin na mas magandang pagmasdan ang sunset kesa sa gabi at madaling araw?



Tuesday, July 30, 2013

Larawan

Ang post na ito ay hindi pang aliw , kundi pagpapahayag ng isang damdamin sa pamamagitan ng mga larawang ako mismo ang kumuha, maliban lamang sa ilang bulaklak na sa palagay ko ay wala dito sa Pilipinas kung kaya hinanap ko sila sa google.

Ano mang damdamin ang iyong mabasa sa bawat larawan ay aking pinahahalagahan.... ngunit ako ay may sadyang nais sabihin at ang bawat isa ay naglalaman ng aking isip at pusong inaamag. Sa bawat larawan ay aral, tula at prosa.



Sa dami ng karanasan sa panganib, kamatayan at marami pang iba.... tinakasan na yata ako ng takot sa buhay.
Nakita kong maganda ang buhay...makulay ...kahit puno ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Ang picture na ito ay kinuha ko habang nakasakay kami ni Olet sa motor niya na bumabagtas sa kahabaan ng Novaliches... gabi, wala kaming helmet. Galing kami sa isang aerobics class . Pinilit niya akong tingnan na maari pa akong mabuhay ng gaya ng dati sa kabila ng aking mga limitasyon.
  

Maraming umaga ang sumisikat sa buhay ng tao...kasing dami din ng mga sunsets.

Excited akong gumising bawat araw kahit alam kong maaring hindi na ako magising.  Hindi rin ako takot na hindi na magising pagsapit ng isang umaga dahil sa palagay ko nagawa ko na ang mga dapat kong gawin sa buhay. Walang mangangapa sa dilim kapag ako ay nawala ...si Cha at si Pat ay may sarili nang mga buhay at naihanda ko sila doon.

Pero dumating ka isang araw.... nagkaroon ako ng dahilan para pigilin ang aking paglisan at ipagpatuloy ang saya ng buhay..... bawat araw nadagdagan ng kulay..... makulay na dati pero nadagdagan ulit.


Sa bawat kapangitan ay may kagandahan.
Kahit anong hirap at pangit pa ng mga pangyayari sa buhay o sa isang tao...tiyak na may natatago itong kagandahan na isang araw ay makikita mo rin.

Hindi mahirap mahalin ang isang taong may mabuting kalooban kahit pa nga mayroon siyang kapangitan. Kayang talunin ng pagmamahal ang pangit na itsura ng isang tao, ngunit kayang talunin ng pangit na ugali ang pagmamahal. Napakadakila ng pag-ibig na kayang yumakap sa isang taong may napakasamang ugali...sad to say, God lang ang may ganung kakayahan.Ahayy

 Ang cactus na yan ay makikita sa likod ng aming bakuran...sa may tambakan ng basura.


Ang buhay ay isang paglalakbay. Pagkahaba-haba man ng iyong paglalakbay, sa bandang huli uuwi ka din sa mga tao at bagay na magpapasaya sa iyo...mga bagay na hindi mo na iintindihin kung ano ang sasabihin ng ibang tao... mga bagay na matagal mong isinaisantabi dahil mas isinaalang-alang mo ang kapakanan ng nakararami.

ito ay kuha sa Sarangani.





Bangkang Badjao sa Sarangani Bay, Aug.2013
 
     Ang tao ay parang dagat. Tayong dalawa ay ganun din. Mahirap basahin ang bawat sinasabi. Mahirap din basahin ang bawat ikinikilos. Mahirap tukuyin ang eksaktong iniisip....ngunit may isang bagay na hindi maaring maitago , gaya din ng dagat ........... ang damdamin.

      Ang damahin ka ang tanging paraan upang aking maintindihan ang tanging lengwaheng alam mo--- ang manahimik.

   
   
Bawing roadside, GenSan City, Aug.2013


Hindi ko sukat akalaing may hanging iihip sa aking buhay.  Walang bagay na nagdaan ang aking pinagsisihan...lahat ay aking ipinagpasalamat at tinanggap. Natutunan kong sa ganitong paraan ay mas magaang dumadaloy ang buhay... kaya kahit sa kabila ng aking mga limitasyon naging masaya ang lahat ng araw.

Tulad mo'y hangin, nasa aking paligid. Hindi ko nakikita ngunit nadarama ang pagmamahal mong ako lang at ikaw ang nakakaalam.






Mariposa ka ba o ano? 


Nakita ko ang di ko mawaring butterfly na eto sa kisame ng aming bahay. Paano nakapasok ang butterfly na ito samantalang naka screen ang buong bahay pati pintuan? Palaisipan 'yan sa amin ni Emman..na hindi naman naging isang kababalaghan sa aking tatay. Ngunit kami ni Emman ay nagtataka...marahil sa kasimplehan ng aming kaisipan , ito ay isang misteryo.

 "Dumaan sa pinto." sabi ng aking ina.

Minsan may mga bagay na dumarating na akala natin ay bago o kakaiba, ngunit hindi pala. Nagdaan na pala ang mag iyon sa ating buhay sa ibang anyo at ibang paraan nang hindi natin namamalayan dahil masyadong tayong abala.

Mahirap matutunan ang ga aral sa buhay kung gagamitan natin lagi ng talino.... minsan kailangan lang nating maging simple at okay na ang lahat.


peachbloom, surinam


"Sabi mo ay mahal mo ako. At iyon ay inasahan ko... Balang araw ikaw ay aking mamasdan. Ayy ano kaya ang aking gagawin? Ako ba'y mahihiya o sasayaw? Ngunit isang sigurado ikaw ay aking yayakapin at sasabihing, "sana noon ka pa dumating."



Laguna Lake coutesy of Alejandro Trajano
        "Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang sunset..... laging may sunrise. "  Madami man tayong hindi pagkakaintindihan ...mas marami naman ang ating mga magagandang pinagsamahan. Sa bandang huli ay unawaan na lamang at pagpapatawaran..kasi nagmamahal. "



Forbidden Land, Wings of Destiny,RPG

Ang buhay ay isa ring game at war. Madalas, sa ating paghahanap sa buhay, hindi maiiwasang tayo ay nasasaktan o nawawalan.


"Kasama mo ako kahit saang sitwasyon pa ng buhay .hindi kita iiwan.....kung papayagan mo ako. "






"ligaw" near Batangas Bay


Ang pag-ibig ay parang damo. Kahit saan maaring tumubo. Parang tayo lang..."


Ang magmahal ay isang pagpili. Dahil ito ay isang pagpili, di maiiwasan na nagkakamali...pero dahil nagmamahal ka... nagtitiis ka, dahil ang pag-ibig ay mapagtiis."

hanep!











bongavilea,

Sabi mo dapat akong mabuhay kahit ipalit na lang ay ang buhay mo. Kung dumating lang agad ako noon, sabi mo, di sin sana ipinagamot mo ako sa ibang bansa." Pero nahuli ako...dekada ang pagkahuli ko ng dating.

Sabi mo, hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi. darating ka pa sabi mo.."

ang saya!  


Pag-asa. 

Buhay.




Ngunit isang umaga, ako ay nagising.
Ayoko nang lumaban sa buhay.
Ayoko nang gumising.
Nasaan ang dating kulay,
Bakit naging dilim?
Napapagod na ako,
nais ko nang umuwi
Sa bahay ng aking Ama sa langit.
Doon, wala nang hapis.







Linlin & Bebzki, Forrester City, Wings of Destiny RPG

Malabo na ang aking paningin,
Hindi na umaasa
Hindi na naghihintay,
Ng kahit anong umaga pang darating.
Nabubuhay na lamnag
Sa kung anong mayroon...

Hindi na rin ako nangangarap,
Hindi na rin nag-iisip.
Mamahalin na lamang kita
Hanggang sa hindi ko na paggising."






Sabi nila, mabuhay ka para sa mga minamahal mo at nagmamahal sa iyo.  



Siguro this time,  I will be home before dark.






Tuesday, June 18, 2013

Trailblazing Mindanao

This story tells the steps on how to do community mission outreach on places never been reached by anybody for development and transformation that  remain longer than the missionaries that did the trailblazing. Here, we aim to duplicate what we did in our community in Batangas City, which can be viewed in the link below.

Our mission ministers to the IP's of the Philippines. IP stands for Indigenous People's Group which composed of native people of the land. They are the ancestry of our people today. It so happen, our mission focus on the natives of the seas-- the Badjao or Badju. I don't know what God thinks about this call why to these people. But as the work progressed , I saw God's reason.  We are so lucky we were not born a Badjao.


This is not the first time my parents went to Mindanao. Those former times were devoted to ministering to the T'boli's- an IP group in Mindanao. But this moment is the first time to start working on a community mission with the Badjao located in the boundary of General Santos City and Sarangani.  Of course, the mission will always include the imparting of  the knowledge of God. The community in Batangas City where we live has prepared in prayer and funding to pursue this work. We were seven in the team including my parents. But we were trimmed down to four because of lack of funding. So my parents, me and Manuel pushed through the trip. 

General Santos City Domestic Airport


We arrived at the airport of General Santos City  7:20 in the morning of May 30,2013. Our contact was already waiting at the airport. Carrying our luggage, we were brought to friends' houses where we paid some time talking, eating and discussing about our plan and the daily work schedule. Our contact who became a friend of ours provided the place for us to stay.

The House Where We Stayed located in the center of GenSan City. 


It is a two bedroom empty house fit to accommodate 20 people.  It is an old bungalow which was inhabited for so long the cockroaches' smell lingers the air inside the house. So much for my allergy. 

We had nothing to use in the house. Our contacts lend us the stove, a table, 4 chairs, electric pot, caserrole pot, a knife and  iron serving platter which mom used in frying and cooking. It is good my mom brought with us plastic plates. We had no utensils whatsoever, and everything in the following weeks were all improvised. We also bought along with us 70 bags of manna rice for feeding program. 

We slept on the floor with  a foam bedding. Our friend lend us pillows and an electric fan. We brought along with us blankets and malong. I slept with my mom and dad. Sleeping is an adjustment. We only had 2 blankets and I have to contend myself sleeping under a malong   so dad can use my blanket. In Batangas, though we are living in the tribe, my wooden bed is cozy, and comfortable.  

Manuel slept in the other room. He created  a little privacy of his own I joked as Bawing 3 community. Though the place is good and in the center of the city, we had no signal --- may it be internet or cellphone of all networks. The house where we are staying is a dead spot! Only our house! I contacted the telephone companies and reported the dilemma.. to my surprise, all of them said that nothing is wrong with their transmissions.

at KCC Supermarket 

 The first day was also spent in buying for food and other things we need.... in order to survive for 2 weeks . We bought food and other supplies for ourselves. There are many malls and supermarkets in General Santos City. KCC Supermarket is where you can buy food and stuff at the cheapest price. Gaizano is also one. Clothes and household stuff are cheaper in Gaizano. There are SM City and Robinson Malls in the city, but the people go jumpacked in buying at KCC .

No wonder why many Visayan and Tagalogs migrated to Mindanao. Commodity prices are high, even land prices are lower. We actually bought a piece of land for the family for future settlement, and  training center. The weather is balance, not so dry but not so wet. but because it is surrounded by waters, you can expect a change to darker skin tone. 

                                                       Plum, Tangerine and Korean Pear

I love the fruits. We always have every meal. They are cheaper too. One can buy a bunch of pineapples for P10, P20 and P50. Dragonfruit, Kiwi, Tangerine, Mangosteen and Plums are so expensive in Manila and Batangas but here in Mindanao--- omg! you can indulge yourself till you drop at prices that won't hurt your pocket!


GenSan City is known as the tuna capital of the Philippines. I have eaten a variety of tuna dishes: tuna kilaw, binagoongan tuna, ginataang tuna, dried tuna, tuna siomai, tuna tocino, etc..etc..etc..ut am not fond of tuna, but I went crazy over sea weeds kilaw! wiw! 

The first day was really enjoying. 

The next day is paying courtesy visit to the ministerial council of the city. This is very important. The City Ministerial Council must recognized that you are to work in a community/or people group so you will avoid "stepping on someone else's feet" and for backup. For anything that may come unexpectedly, you have back up prayers and support.  And since we are "aliens" in the land, we pay respect to everyone who needs it.

The Ministerial Council Meeting

The Ministerial Council was broken into two: The Ministerial Council of the Locals and The Elders of the City. We were surprised that a discrimination between the Local (small units) and the Elders ( the larger units) is existing. And we are even more surprised at both's adamant responses of these people to the plight of the Badjaos in Mindanao. If these people are rejecting the Badjaos, how much more the christians and muslims in Mindanao. And we were right! The people doesn't want anything to do with the Badjaos. They call these tribe a people of deceivers, murderers, dogs, useless beings, sore of the city...name all the negative descriptions.. mananawa ka!  We were even asked to go home and return to Batangas.

The reports we heard made us more unstoppable.



Looking for Makona and her clan.


Makona and her clan is our contact clan in the tribe. We heard a news that they are living somewhere along the road near the sea before Bawing. A contact in the tribe makes it easier to communicate, and will serve as the core group of the working team. Through them, we are expecting an easier way to get through the tribe. We learned that the Badjao community in there is being ruled by a Tausug, and are living with other moslem clan within the community.

       
We found Makona and her clan... they are moving  out. They were demolishing their houses because the owner of the land, a Maguindanaoan, where they are living are selling it so they have to move out to an unknown place. We gave them our food supply for the feeding program so they can eat. 

There goes our base and core group.



Off to the city.... Plan B. 


This is what I like in my work... when you are ready and equip, you can relax while you plan and pray. As for me, it's also my time for mapping up the place and see the probability of  success, threat, hindrances and failure.


Plan B is go straight to the community. We follow the impression of God in our hearts. Its a long way...with checkpoints. Mmmm...

The beaches along Sarangani Bay

The Badjao Village rest alongside the shoreline of Sarangani Bay.

Paying a courtesy visit to the tribal leader 

The houses by the sea

The community reception is good. So far, an interpreter is needed..and Manuel did it so well. The people are Sama Palau'. They are the ones who live on the seas literally. Our community is Sama Central, the ones living by on land. Their Sama dialect is deeper than ours, I can only understand a little of what the people are saying. 


There is a fresh water fountain near the sea. The people drink this water and is indeed fresh. It is a miracle and a sure sign of blessing from above. 

The following days were spent building a relationship with the tribal leader and making the people familiar with us. We didn't promise anything. We only promise we will come back and live with then
m to help the community achieve its  transformation. The tribal leader accepted us, and offered a s space in the community for us to build our house. Manuel  was liked by the people, however, we are still praying for a couple to stay with mom and dad in the community.



It is easy to come to people and help them specially when you have resources. And it is easy for people to come to you to receive your gifts... it is a natural instinct of human beings. Implementer of change should aim a real transformation that will run throughout generations  of the people that were helped. Here, a long and deep patience is needed.. and a resource that goes beyond the supply of money and material things.

Trailblazing among the IP's need a lot of careful planning and preparation.... and a lot of prayer.

Planning and preparations include

1. studying the IP's culture which includes their norms, traditions, lifestyle, etc.
2. learn their language
3. learn adaptation by living with them. Equip yourself with the necessary training in order to exist in an unreached community.
4. muster your resources. tap resources.
5. learn spiritual warfare

Moving forward includes
1. Establishing contacts and networks.
2. Establish good relationship with contacts and networks.
3. Mapping the community which includes identifying their needs
4. Live with the people
5. Start developing

Those are starters. And it didn't take overnight. To us, establishing contacts, networks and relationships took two years on process. Those who did it in short period of time-- its the implementer who  gives up easily. It's just like planting on a rocky soil.

Oh I love the city of General Santos... very peaceful... clean air...the scent of ocean breeze refreshes the soul.

Tricycles are designed to accommodate 6 passengers.



Our property in GenSan.... 1000sqms for residential and future missions training center.

Manny Pacquiao and his family attend church here.  We met him and his wife Jinkee, now elected Vice Governor of Sarangani. I admire his humble spirit. I was so happy watching him pile up the chairs in the worship hall, arranging things there, disregarding his being a Congressman and a Pambansang Kamao. Woah, I made him an example to my trainees.

New Friends

New Friends. That's how it is in our place.

I simply like the place after mapping it out. It's sad I only got to visit it when needed. 

We will come back to start the community development and of course introducing Christ to the people. As of this moment, 111 children are waiting to be enrolled in school. 1300 are needed to be fed to combat malnutrition. No existing livelihood. No nothing....pure tribal life.





































Tuesday, May 14, 2013

IBA NA ANG MUNDO NGAYON

I was hurrying yesterday to submit my annual report to the Securities and Exchange Commission in Ortigas. Antok na antok aq dahil sa pag ra rush ng report the other night. I said to myself, sa bus na lang aq matutulog.
Punuan ang bus. Puno na pero nagsasakay pa.
Pinilit kong maging walang pakialam na tao...kasi antok na antok ako... anyway, matulog man ako-- malaki naman shades ko, hindi halata.
Nang may sumakay na mag nanay sa gitna ng kasikipan ng bus. Naka heels ang nanay at maiksi ang  bistida, na hindi malaman kung hihilahin nya pababa o pataas ang damit na maikli na ay maluwang pa. At ang anak na feeling ko ay 2 years old lng ay pinaupo sa istribo. Napapaligiran kami ng mga lalaking parang sabay-sabay na lumingon sa labas ng bus. Ang lakas mag preno ng bus driver.... NLEX eh. at naantala ang aking balak na pagtulog.

"Miss, dito ka na sa upuan q. "
" Ayy wag na po." sbi ng babae.
" (Pakipot !)  Ok lng miss, kawawa naman ang baby mo.'"

Ako un...ako ung nagbigay ng upuan  ko at ako ang  tumayo sa estribo. Ang mga lalaki sa paligid namin? Nagkaisa yatang matulog. haayy! Hindi q hinihintay na may magpa upo sa akin. Alam kong wala..nagtataka lng ako... sa kasabay bang lumipas ng stone age ang pagiging "gentleman" ng mga lalaki?

Ten in the evening na ako natapos mag administer ng NLP therapy sa isang company. Ang haba ng pila ng fx sa Sm North. Kung i eestimate mo, malamang 12am na aq makakadating sa Bulacan kapag nagtyaga akong pumila. Iba na talaga ang mga babae ngayon : May dumaang bus going Apalit, Pampanga...lima kaming tumakbo at nag-unahan patungong edsa upang parahin ang bus. Hindi ko na inalintana, umakyat na ako ng barandilya na naghihiwalay sa SM compound at sa EDSA.. ang ibang mga kasama ko ay sumuot sa ilalim, o di kaya ay umikot. Safe! Nakasakay aq. Iiling-iling ang kaibigan kong naghatid sa akin sa sakayan. haha.
"Okay lang ako." senyas ko sa kanya.

Sa loob ng bus, madami ding mga lalaki -- parang walang nakitang mga babaeng nakatayo. Iba na talaga.


Madalas natatanong ako kapag nakikiupo sa mga umpukan ng mga kaibigan, o mga matatanda sa kung saan-saang lugar ko nakikita.

"Bakit di ka pa nag-aasawa?"  'Yan ang tanong na naasiwa akong sagutin dahil kahit ako hindi ko alam bakit hindi pa rin ako nag-aasawa. Marami akong inimbentong dahilan, at ako mismo ay nangawit na isagot ang aking mga dahilan. Hanggang I came out with a better answer that satisfies my mind:

" Wala lang po. Tinatamad po kasi ako."

Pero di ko akalaing may pambara palang sagot sa non-evasive answer na naimbento ulit ng tamad kong isip.

" Aba, kung tinatamad ka.--masama yan. Hindi na bumabata ang panahon." Sabay dugtong na :

"Eh, may napupusuan ka ba naman kahit tinatamad ka? "  Sabi ko na hahaba eh.

" Meron naman po."

"Aba, eh ano ginagawa mo?"

"Tinatamad nga pows!"  umiikot na mga mata ko. Kailangan ko nang maging isang cape crusader!

" Hoy, maria teresa kung gusto mo ang isang lalaki, huwag ka na magmabagal. Sabihin mo na nasa kalooban mo. Sige ka baka maagaw yan!"

"Ano? Ibig nyo sabihin ak manliligaw??!" tumaas ang isang kilay ko.

" Aba bakit? Masama? Uso na yan ngayon! "

" Pwes sa akin, hindi siya uso!"

" Nakuuuu hindi na nakakahiya 'yun."

" Ano ba? Tamad nga eh..walang gamot dun!"

"Katangahan ang walang gamot. Ang katamaran meron !"


Hindi naman ang katamaran ko ang issue. Ang issue ay " uso na yan ngayon." "hindi na 'yan nakakahiya"--- na babae na ang nag da da moves para makakuha ng boyfriend at asawa.  Namamangha ako sa katapangan ng maraming kababaihang gumagawa nito. Napapanood ko pa nga sa mga tv shows ang mga ganitong katapangan. At may mga nakilala din akong ganun ang ginawa at may happily ever after naman.


Isa pang namamangha ako ay ang kausuhan ng mga older women marrying younger or even younger men. O  much older women in a relationship with  much younger men. Sabi ng mga nainterview kong mga kalalakihang may mga gf na older women, ang dahilan ay  maturity in handling relationships, confidence and security. Awww security! Mystica, a singer married a 23 year old man and Ai-Ai Delas Alas married a 27 year old guy. And these women are in their late 40's.


Maging ang set up ng pag-ibig ay naiiba na din sa paglakad ng panahon. At ang kakayahan ng mga babae ay nadadagdagan --nagiging masculine na . Iyan na ang tinatawag na equality of both sexes. An effect of liberalism. Hindi naman iyon masama. Liberalism is enlightenment to something much better. Pero kung ako ang tatanungin -- ayoko sumabay sa pagbabago patungkol sa pag-ibig. Mas prefer ko pa din ang lalaking kaedad ko o mas matanda sa akin ng konti.


Maging ang paraan ng pagpapalaki ng mga anak ay hindi na rin katulad noong araw. Masyadong istrikto ang mga magulang noong araw. Conscious sa pagtuturo ng magandang asal sa mga bata.Nakatutok ang mga magulang sa paglaki ng mga bata. Ngayon, ang mga magulang ay busy magtrabaho mula ng mauso ang parehong magulang ay nagta trabaho. Ang nag-aalaga ng mga bata ay ibang tao o mga kamag-anak. Ang libangan ng mga bata ay ipad,  computer desktop at cellphone.. at pagkatapos magrereklamo ang mga magulang bakit tamad mag-aral, hindi makatapos mag-aral at walang modo ang kanilang mga anak.

Maging ang mga karamdaman sa katawan ay naapektuhan na rin ng mga pagbabago. May dengue nang walang lagnat-- pag labas ng lagnat, tepok agad ang maysakit.  Ang mga sakit na nong panahon lamang ng depression lumabas, ay lumalabas na din sa kasalukuyan gaya ng cholera. Tumutubo na ang cancer kung saan hindi mo akalaing tutubo siya. Makatubo na lang ba? At karaniwan ng mga sakit na matitindi sa kasalukuyan ay .... walang gamot!


Hayy, napakaraming nabago sa daigdig. Sa prinsipyo at values ng sangkatauhan. Maliban na lamnag sa sistema ng pulitika ng Pilipinas, na panahon pa ng kastila ang sistema, at kahit sinong umupo bilang mga opisyales ng pamahalaan, ay hindi masolusyunan. Ang katiwalian at pang-aabuso ay matanda pa sa humukay ng ilog Pasig, ay iyon pa din hanggang ngayon, naging moderno na nga lamang ang mga kasangkapan sa katiwalian. Kung pinag-aaralan lamang ng bawat nauupo sa pamahalaan  ang history ng Pilipinas, marahil, maunlad na ang bansa.  Marahil maging ang mga mamamayan ay tatalino rin.


Ngunit may isang hindi nagbabago kahit mabago ang lahat ng bagay-- ito ay ang God na hindi nagbabago ng pagmamahal sa atin. Ang sabi Niya sa aklat ng Isaiah, " Sasamahan kita hanggang sa iyong pagtanda. At sa iyong pagtanda, Ako ang iyong magiging kalakasan.". At ang sistema ng paglapit sa Kanya ay hindi Niya binago mula pa noon: " Isang panalangin  lang na may pananampalataya."






"Hindi ko malaman kung bakit
kahit sabihin mo sa akin na huwag ako magsalita ng tapos,
 hindi pa rin nababago ang aking pagtingin,
at kahit anong pang-iinis
at pagbabagong naganap
.hindi q magawang tumalikod
mula sa iyo."














Wednesday, April 24, 2013

Bohe Bindadali (Water By The Rainbow)

"Dai' kam  a'mande'
 ni bohe' bidadali'.
M'bal tapamandi'an.
 Bai pagsumbalian.
Ai bai' sinumbali?
Kuting-kuting janggi.."


Inaaral ko iyang generational rhyme ng tribo. Sabay-sabay nilang binigkas sa aking harapan habang kami ay kumakain. Hala, kabisado ng madla, matanda man o bata. At aming  nire recite habang naghahanda sa pagnanakaw ng sandali ----- na makapaligo sa dagat!




Hindi na naman aq umuuwi.. ayoko na yatang umuwi. Nalilibang ako sa trabaho at sa mga ginagawa ko sa community. Lalo na ngayon, napapansin kong tinatablan na ng katandaan si Daddy. Sixty seven years old na ang tatay ko. Marahil sanhi ng mga kapaguran at tensyon niya sa mission ang mga nararamdaman niya ngyon.  At kailangang kasama niya ang kanyang tagapagmana -- syempre, ako un! Tagapagmana nga ako..... tagapagmana ng mga kunsumisyon niya! hahahahaha!

Tingnan nganatin ang mga pwedeng matutunan mula nang hindi aq umuwi.



Baguio
Mahalaga ang pahinga. Nakakamatay ang sobrang trabaho. Hindi mabunga ang gawaing hindi mo na-eenjoy nang gawain.

Masarap palang maging unica ija! hahahahaha

Minsan kailangan mong harapin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo upanag malaman nilang...... dapat ka pala nilang katakutan!







Daet, Camarines Norte

Hindi natutulog ang Dios. Hindi ka Niya tatantanan hangga't hindi Niya natutupad sa iyo ang kanyang plano. Gagawin Niya ang lahat upang makita mo kung gaano ka kahalaga sa Kanya at gaano kaganda ang plano Niya sa iyong buhay.

May sense of humor ang God. Dehins Siya kj ! Happy Siya kapag happy ka at sad pala Siya kapag sad ka.



Baguio...... ulit!   twice in a month.

Malalaman mo ang tunay mong damdamin kapag malayo ka sa lahat ng tao. Matatagpuan mo ang sarili mong nagtatapat sa sarili mo.... na getz mo?


Ang 2013  ay Season of Fire.
Paano ko nalaman?  Dapat pag nagbabasa ka ng aklat at nanonood ng mga palabas sa tv-- nag-aaral ka din hindi lamang naglilibang.





Batangas

Tribal Wedding-  Sa panahon ngayon, hindi na ang gusto mo ang laging nangyayari. Panahon na ngayon ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Nagpapakasal ang mga hindi mo akalaing ikakasal, at naghihiwalay ang mga wala sa hinagap mong maghihiwalay. Ano pa man sa mga iyon--hindi ako apektado...hehehe, single aq eh. !





Bulacan

Si Meow at c Pingu....6 yrs old & 5 yrs old. Noon 'un. Now, 25 yrs old at 24 yrs old na. May additonal pa...c big meow at c zebby baby! Lalong sumaya ang buhay ko. Sila ang mga inuuwian ko ng sandamakmak na starbucks pastries, damit, pera, at panahon. Sila ang dahilan bakit bumabalik ako ng Bulacan.

Bawal ang malungkot at galit sa bahay nila! nyahahaha! ...bahay nila! brooom brooom!

Masaya ang pamilyang may panahong magtawanan. May panahong magka sama-sama. may panahong magturuan sa isa't-isa. May panahong wala munang ibang bagay na mahalaga kundi kayo lng.



Badjawan

Masarap ang buhay kapag simple lang. Hindi naman kailangang magkaroon ng lahat ng bagay para sumaya at mapaligaya ang mga mahal sa buhay. Minsan, hindi naman nila kailangan ang pera mo...sapat na ang attention, hugs, kisses at tatlong beses isang araw na pagkain.... ang ibang mga bagay ay malalampasan din.











Feeding Program

Nagpapakain kami ng 93-120 na mga batang Badjao, 3 times a week. Ang mga batang ito ay galing sa ibang community. We monitor their weight. Unti-unti ibinibigay namin ang mga kailangan nila para sa kalusugan.

Naiinis si mommy sa akin kasi maarte akong magprepare ng pagkain... sa dami ba naman!

Minsan kailangan nating tumigil at tingnan ang paligid natin. Mapapansin nating higit na mapalad ang marami sa atin na madalas ay may mga sobrang bagay sa buhay. Kung dadamahin lamang natin, walang puwang para sa kalungkutan, frustrations at depression.

ituro natin sa mga bata ang pagpapahalaga sa buhay, panahon at pera upang lumaki silang responsable sa sarili nilang buhay.



Housewarming

Ang tunay na nagmamahal..... lumilipat ng bahay ! nyahahahahaha!

Ang mag wait sa Lord ay tunay na masaya! Busog ka na, nakangiti ka pa!







Batangas Bay

Hindi lahat ng panahon  malalim ang ilog...nag lo low tide din. At pag low tide...magagawa mo ang hindi mo pa nagagawa sa tanang buhay mo.... mag traffic sa gitna!

Bahala ka nang mag-interpret ng sinabi ko para sa sarili mong buhay. Kanya-kanya tayo ng pananaw. Ano man ang pananaw mo tiyak na nakaka impluwensiya ito sa iyong buhay pati sa mga tao sa paligid mo.





" Halinang maligo
  sa dagat sa tabi ng bahaghari.
 Hindi pwedeng paliguan
 dahil iyon ay banal.
 Ano ang nagpabanal?
 Naligo doon ang itim na kuting."
 


Kagaya ng "Magpakailanman".... mukhang napakalayo ng aking pamagat sa laman ng aking kwento.