Sunday, November 25, 2012

Nag-aral Magsulat si Nara

Ito ang Kwento ng mga batang Badjao na nagsasanay para matutong mag-aral. Mukhnag hindi akma ang aking sinabi ngunit 'yun ang nangyayari at hindi ko kayang ilarawan sa pamamagitan ng salita ang aking nakikita.


Taong 1995 ng sumagot ako sa panawagan ng mga Badjao... panawagan, dahil wala daw silang ginawa kundi ipanalangin ako araw-araw na magbago ang aking isipan at mamuhay kasama nila.... at ang aking walang kakupas-kupas na ama, na walang ginawa kundi kumbinsihin ako na sumama sa kanila. Ako ay isa pa lamang Principal noon.

Tumugon ako sa tawag matapos magpakita ng senyales ang kalangitan. Mga senyales na sa paningin ko ay may kasamang "inaku po! papayag na po ako!" dahil ayokong tamaan ng kidlat noong umagang iyon na napaka lakas ng ulan, na muntik nang kumansela sa pinaka dramatic na okasyon ng paaralan -- ang graduation.

May bagyo ng tumuntong ako sa Badjawan. Pagkadulas sa putikan ang unang bati sa akin ng lugar. Ayy naku, pagbabanta agad na masisira ang aking kutis sa lugar na iyon. At makalipas ang 3 araw, tutok ng baril sa mukha ang siyang anunsiyo na ako ay nasa Batangas na. At nagkagulo ang lahat! Ganda ko bang toh, tutukan ng baril?

Edukasyon ang dahilan ng panawagan. Anim na buwang pag-aaral ng kultura at tradisyon ng tribo. Pakikisalamuha sa mga katutubo. Pagpapakilala sa mga tribal leader... pagpasa sa mga lihim na pagsubok.  Pag-aaral ng wika. At anim na buwang pagtatanong sa kalangitan, ano meron? Bakit ako? Bakit hindi ang mga kapatid ko? Mga lalaki sila....sila ang may mga tawag. At anim na buwan ding pagsagot ng Dios sa bawat katanungan ko....kay tyaga! Kay tyaga ng Dios na sagutin ang mga kakulitan ko!

Hanggang naging parang isang panaginip sa akin ang mukha ni Paul Yonggi-Cho, the great revivalist of South Korea. Siya ang dahilan kung bakit naging mga kristiyano ang mga koreano na ang relihiyon ay Bhuddism.

"Hindi mababago ang buhay kung hindi matututong magbasa ng Bibilia. At hindi mababasa ang Biblia kung hindi marunong magbasa." Yan ang sabi ko kay dadi.

At nag-umpisa akong magturo ng literacy.

( badjao mothers in literacy class)

Inuna ko ang dinatnan kong mga kabataan, mga nanay at tatay sa community. Palibahasa, motivated na sila to behave and listen, nagtiyaga silang mag-aral sa ilalim ng aking pagtuturo.

(badjao fathers in literacy class)

Mahirap turuan ang mga magulang na Badjao. Mayroon silang kaisipan at minanang kaugalian na hindi na dapat mag-aral ang isang Badjao dahil siya ay para sa tubig at hindi para sa lupa. Isang malaking kahihiyan para sa kanila ang turuan ng isang guro, lalo na ng isang babaeng guro at malaman ng community na sila'y walang alam. 

isang timbang pakiusap at mind setting ang aking ginawa upang makumbinsi ang mga magulang  na mag-aral magbasa. Noong una, ang classroom na pinagtuturuan ko ay isinasara ang lahat ng bintana at pinto tuwing may klase, at ginagawa ang klase tuwing gabi kapag tulog na ang mga bata. Matagal-tagal din bago nila natanggap na kailangan nila ng edukasyon. Bawat pag-titipon ng community ay walang tinatalakay kundi ang kahalagahan at benepisyo ng  edukasyon.

( youth in literacy class)

Mahirap din silang turuan dahil sa liit ng kapasidad ng kanilang kaisipan na mag-absorb ng mga aralin. Ito ay sa kadahilanan ng kakulangan sa nutrition at regular na pagkain. Kulang din sila sa sucrose at fructose na kailangan ng utak upang ito ay gumanang mag-isip at ma- develop ang brain cells habang fetus plang ang isang tao.  Isa pa, hindi sila nasanay na mag-isip ng mga kumplikadong bagay...sapat nang isipin ang pagkain, pamamana ng isda at pagtitinda ng perlas. Beyond that, masakit na sa ulo!

Kung kaya't pagkatapos ng klase, may mga salompas na na nakadikit sa kanilang mga sintido at noo. Nakukuha kong tumawa. ganun kasimple mag-isip ang isang Badjao.

Nilagyan ko ng sistema at programa ang aking pag-tuturo upang madaling matututo ang mgamag-aaral.
1. One week na pagpapakain ng chocolate sa mga mag-aaral bago umpisahan ang klase.
2. one week na feeding program
3. pag-gamit ng inimbento naming technique sa pagbabasa , sa St. Agatha College ang aking ginamit na technique -- ang Digital Learning technique.

Matapos ang isang school year, nakahinga ako ng todo-todo ng pakuhanin ko ng BLP exam ang mga mag-aaral kong mga kabataan. Lahat sila ay nakapasa at nagkaroon ng grade level........ at ako ay nagtulog ng isang araw sa sobrang kasiyahan! haha! 


Marami ding mga epal sa trabaho kong iyan, ngunit dahil si dadi ang aking tagadala, ako ay hindi masyadong apektado... coach lang aq ni dadi ng mga isasagot sa mga epal.

Hindi ako nakuntento sa simpleng achievement.... nagpanukala ako ng pakikipag-tie up sa Alternative Learning System ng DepEd sa Batangas City at ito ay nangyari naman. Pumirma si dadi ng contract of agreement for Service Providership ng ALS-DepEd BLP and A&E. Dahil naisip ko din na dalhin sa iba pang Badjao communities ang edukasyon.

Hanggang tumuntong ako sa ibang communities ng Badjao sa Batangas. Nag-umpisa akong magturo sa ilalim ng proteksyon ng tribal leaders. At dahil malaki ang respeto nila sa aking ama,  ako ay tinanggap at malayang nakakalabas-masok sa lahat ng pamayanan. 





( literacy class other community)

Mayroon ako agad na 70 mag-aaral na tinuturuan ko ng 3 beses isang linggo sa kabilang isla. Sa hapon ang klase ko sa kabilang isla, oras na tapos na ang pamamalimos ng mga bata. Namamalimos ang mga bata sa 2 communities na nasa isla.  "Pamamasko" ang tawag nila. Namamalimos din kasi ang kanilang mga magulang, bukod sa pagtitinda at pamamana ng isda. Hindi sila marunong maligo ng maayos. Paglublob lang sa tubig-dagat ang kanilang pagpaligo. Madalang din maglinis ng ngipin at magsuklay. Maging mga damit ay walang kaayusan-- walang  diprensya ang marumi at malinis-- hangga't kayang isuot-- pwede na! Kinailanagn ko din ng interpreter dahil sa language barrier.

Kagaya ng mgamag-aaral ko sa aming community, pareho ang hinarap kong mga hadlang sa pagtuturo. 

At hindi lng pagtuturo ang kinaharap kong trabaho, maging ang maging taga-awat sa mga gulo, pamamagitan sa mga kapitan, pag-aayos ng problemang pang mag-asawa at pam-pamilya, pati pagtulong sa pag-iibigan..napasok ko na din. Doon nila natutunang tumanggap ng babaing lider. Naisasama ako sa pulong ng tribo na ako lamang ang nakaupong babae at pinapakinggan nila ang aking mga mungkahi. 

Dumating ang panahon na dumami na ang aking tungkulin. Pati pagpapako ng dingding ay nagalawan ko na din... mga gawaing, hindi sakto sa sukat ng aking katawan! aayyy!  At tumaas na din ang grade level ng aking mga mag-aaral. Hirap na akong magturo.  Kailangan ko ng gawin ang huling stage ng aking programa.


( leadership class 1)

Ang mga natututo ko ng mga mag-aaral ay isinailalim ko sa leadership training.

(leadership class 2 )

Pinili ang mga sasailalim sa bago kong klase, at mahigpit ang pagtuturo ng wastong pag-uugali at pagkilos. Habang guma graduate sa ALS ang mga mag-aaral.... umuunti-unting umuusad ang aming leadership class. Inabot ng tatlong taon ang training, kasabay ang apprenticeship at mentoring.....sabay-sabay ang programa...para akong hinahabol ng itchy bichy ewwwww wormies!!!  

Sa wakas, graduates na ang mga estudyante q.  Ang iba ay nagtuloy ng college sa TESDA, si  Arlene ay ga-graduate na ng BSEEd, ang mga lalaki ay nagtrabaho sa iba't-ibang kumpanya. Si Antoy at c Emman ay namamasukan sa EEI. Si Jm ay sa isang Glass company dito sa Batangas.

Natapos ang leadership program, tuloy pa din ang BLP sa ibang communities. Tagapag-turo nang kahalili ko ang mga nagtapos ng leadership training. Ang maraming bata na ngayon dito sa aming community ay inenroll namin sa pampublikong paaralan dito sa aming barangay. Ang mga kasalukuyang nasa secondary level ay inenroll na rin namin sa isang pampublikong high school sa kabayanan. Lahat ay paaral at suportado ng misyon sa tulong ng pamilya at ibang mga kaibigan. Tanging mga sanggol na lamang ang naiiwan sa community kapag weekdays....lahat ng bata nag-aaral sa Libjo Central Elementary School at Libjo Elementary School.... 2kms away from our community.

Sa BLP sa ibang communities taon-taon ay may 150 kaming mag-aaral na pumapasok sa aming "wall less" classroom.  "Wall less" dahil minsan sa ilalim ng kawayan ang aming classroom.Kapag umuulan ay sa silong ng bahay ni Abdurakman...at nagyon, dahil tinambakan ng basura ng DSWD ang aming ilalim ng puno ng kawayan..... napunta kami sa ilalim ng puno ng camatchile. Hayy naku!

( classroom under the bamboo tree)

moveable ang blackboard  at mga kiddie chairs.

(kapag umuulan sa silong ng bahay ni Abdurakman) 

Mabuti na lamang at natuto na ng cooperation at responsibility sa kapwa ang mga mag-aaral.... 

( new classroom- under d camachile tree! mahigad ha! )

(tulong-tulong sa pagliligpit ng classroom)

Hindi na aq nagtuturo ng ALS...naisalin ko na ito kay Arlene at sa iba ko pang naturuan kung paano magturo ng bata. Ang mga nag daan sa leadership training na matatanda at ilang kabataan ay nagunguna na sa ibang gawain ng misyon. Ako--- taga subaybay na lng.  Nagkasakit aq sa matinding pagod at exposure sa dumi. Ipinagbawal na sa akin ang sobrang kapaguran at mag-iiwas sa mga maruruming bagay. Ngunit hindi ko ito maiwasan, sumasama pa din ako sa pagtuturo..bagama't iba na ang aking itinuturo sa kasalakuyan...... nandun kasi ang aking kasiyahan. 


Sa huling report na aking isinubmit sa ALS, sa kasalukuyang school year, aymay natala kaming 25 mag-aaral ng BLP ay nagyon ay naka enroll na sa Malitam Elementary School...nagsisipag-aral ng pormal. Lahat ng Instructional Managers ay nangiti. At sa kasalukuyan, may 100 mgakabataan kaming kukuha bg A&E sa susunod na taon, sa April., at dagdag na mag-aaral sa BLP, kapalit ng mga nasa formal school  na.

Hindi nasayang ang mga puhunang tyaga at pagtitiis. Pasasaan ba at magkakapangalan na din ang mga Badjao sa mundo ng propesyonalismo.


Kahapon, naririnig ko na naman c Nara, na tumatawa at sumisigaw, dahil hindi nya matutunang isulat ang mga alpabeto sa papel. Tatlong taon ng nag-aaral c Nara sa BLP at hanggang ngayon, hindi pa din niya kabisado ang pagsulat ng alpabeto. Naiwan na siya ng ibang mga kaklase. Pangatlong teacher na si Arlene sa buhay ni Nara....wala pa rin! Maryosep!


"paano ba?? hindi ako talaga sanay!!" salin sa tagalog ng kanyang sinabi. "agtuy!! amatay aku.!" 


Sinulat ko ito upang pabulaanan ang mganakasulat sa aklat at artikulo na hindi na kailanman matututong mag-aral ang mga Badjao dahil sila ay water people. Kayanilang matuto kung matyaga ang tagapagturo. Matututto sila ng mabilis kung ang tagapagturo ay kanilang kalahi... malaki ang epekto ng language barrier. Hindi kaagad-agad natututunan ang personal hygiene.... wala silang regular na tubig. kailangan ng isang tagapagturong kanilang tatanggapin,mamahalin at susundin, na pinatunayang maari siyang pagtiwalaan ng pagtitiwala ng mga tao. Karima-rimarim na marami pa ding NGO ang nagsasamantala sa mga tribo, lalo na sa mga badjao --pati pulitika ay sinasamantala ang kanilang kahirapan at kamangmangan upang makakalap ng boto at pera.  Panagarap ng Dios na maging edukado silang lahat at magkaroon ng identity. 

Sa isang taon, pangarap kong magturo ulit.... magturo sa mga tagapagturo kung paano magturo sa tribo.. at nais kong  mag-umpisa ako sa Mindanao. Hindi ako Muslim. Ngunit sa mgakatutubong Muslim, nakatuon ang isa kong panaginip.


(my tribe)


Magsukol sa aa' amasa ma blog! 
( Thank you to anyone who will read this blog post! )







the Lord spoke to me, " your joy is here, why leave the work? I am there."

" Therefore behold, I will allure her and bring her into the wilderness, and speak comfortably unto her.
I will give her her vineyard, and the valley of Achor, for a door of Hope; and she shall sing there,
as in the days of her youth, as in the day when she came out of the land of Egypt."
-Hosea 2:15






























Wednesday, November 14, 2012

Eat Natural..... Be Real...Real Fresh and Healthy

It is not me who invented this side dish, it's my dad. He contributed this side dish salad to our regular meal hoping to find relief to his lingering gout.

Dad was hospitalized due to his gout... ang mga praning na doctor, pinagkamalang bone fracture ang gout, depending on my dad's story that he fell 7ft from our roof to the ground while fixing our roof. He was x-rayed and ewan kung binasa o nag basa- basahan lng ang doctor na nag interpret. His foot with gout was cement-cast by the doctor. He was sent home after three days of hospital confinement. Two weeks was needed for his cast to "heal" his ankle. But 5th day plang, nilagare na ni daddy ang kanyang cast! Pinagpuyatan nila ni mommy na tanggalin ang cast sa kanyang paa.

Seeking a second opinion, the internist said," Pastor, P2 lang ang gamot sa dinaramdam mo!"
Hahahahahhahaha!! How I laughed!
 Dad said, " P2? How come? I spent P16k for hospitalization and the cast!"
"Pastor, you have gout. This pill only costs P2. Take it 2x a day."
"Daddy, hahahahhahaha!! Ang dami mo nagasta, P2 lng pla katapat nyan!!", my taunt.
We went home with dad scratching his head.

When you're getting old, you think of going herbal or something, as alternative to your medicine. Someone told my dad that celery extract is good for gout because of it's diuretic ability. So araw-araw may tsaang celery kami!

"Hindi q kayang inumin yan...so yukky daddy! eeeww!"
"Maganda yan sa immune system mo!"
"Wala akong gout! Matibay bones ko!"
"Make cleanse yang sistema mo pag uminom ka nito."
"Ayaw! Lasang impakto! Di ko keri daddy! Papangusin ko na lng."
"Mas maganda concoction."
"Ayaw! Kahon!"

So dad cooked his celery. I eat mine fresh. Until one day, his blood pressure soared up and his allergic rhinitis went bad. He did experiments with food. Namamahalan na siya sa mga gamot na binibili niya. Until one dinner, my mom served fried baby barracuda and celery salad for dinner.

"Sabi sau fresh is better. But why may onions?"


CELERY SALSA

Ingredients:

3 stalks celery with leaves,chopped into small pieces
1 tomato, sliced
1 white onion, diced
dressings are optional

       In a bowl, mix all the ingredients.Toss and refrigerate before eating. Best served with fried fish, meat, seafoods and sauced dishes.

      
The health benefit of the Salsa:



Celery contains a high amount of Vit. C that helps boost the body's immune system.
It also contains calcium, magnesium and pottasium that help regulate blood pressure. It's pthalides compound relaxes the muscle of the arterial wall allowing the vessels to dilate., thus blood can flow freely.. so you won't need to take aspirin daily if you have hypertension, to prevent stroke. Celery can handle that.

Celery also lowers cholesterol in the body by increasing the secretion of bile acid.
                                                                      It is diuretic, enhancing cleansing of the body's system. Prevents arthritis. Anti-inflammatory. Aids in weight loss. Rich in fiber, preventing colon cancer.



The salsa requires white onion..... so you can eat it!  The red onion has a tangy taste that I find it difficult to chew. The white onion contains the same nutrients as the red one. 

Onion contains copper that increases bone density and prevents bone loss due to aging. A very good partner with your daily calcium pill. 

It lowers the risk of having colorectal cancer (cancer of the colon and rectum), laryngeal cancer (throat cancer), oral cancer, which is predominant to those heavy smokers; esophageal cancer (cancer of the esophagus), and ovarian cancer.

Onions contain sulfur that helps prevent undesirable coagulation of blood in the arteries that causes stroke. This sulfur content of onion has an anti-clotting effect on the body's blood vessels. 

Onion is also anti-oxidant, anti-inflammatory, and antibacterial. 

Onion is not bad at all!





Tomatoes, my all time favorite fruit, is rich in Vitamin C and beta carotene, excellent in fighting cancer cells. It also has manganese, Vitamin A and E. It has lycopene that reduce the risk of heart diseases, lowering blood pressure and prevents muscular degeneration.

Tomatoes have anti-oxidant that prevents prostate cancer if taken regularly.

It also has pottasium that is good for the bones. It reduces the chances of Alzheimer disease increasing neurological function.



The Celery Salsa served with fried fish and broiled eggplant



Did the salsa do good to my dad ?  Yeah, he makes kuwento everytime we eat it. But it does a lot good for me... it increases my appetite.  

Minding your health by going natural is not bad. I acquired the habit of going natural when I became allergic to synthetic medicine. Vegetables specially if eaten raw contribute much benefit to our body than the cooked ones. Just clean them thoroughly or blanch them. Veggies and fruits are good to our skin n amount of perfume can replace a naturally sweet smelling skin.... veggies and fruits can do that. ...and that I will discuss later...

antok na aq.