Seven years old ako nang huling bumaha na nagpalubog ng Malolos, ang aking hometown. Naulit ito noong Lunes, Agosto 6, 2012. May tatlong linggo nang umiihip ang habagat (moonsoon) bago pa ang Lunes na 'yun. Bagyo or masamang panahon lamang ang palatandaan ng habagat.
Pagdating namin sa bahay ng gabi na yun ng Agosto 6, sakto pagkasara namin ng gate, biglang buhos ang malakas na ulan....." Noah's Ark!", pabirong sabi ng kasama ko. " Oo nga!" second the motion ko naman.
Napansin kong balisa ang mga pagong sa kusina... (may alaga kaming 2 makulit na pagong). Naalala ko:
"Kapag balisa ang mga hayop, may darating na kalamidad."
Nasambit ko na lang na, " Hindi sa aking lugar." . Gayunpaman, hindi kami halos nakatulog sa pagbabantay ng.... ulan! Ayy, bumabaha kasi sa aming subdivision pag high tide at pag may simpleng ulan lang... parang Malabon lang ang style.... huwag di umihi ang palaka-- baha agad! Pero ang inaasahan naming baha ay hindi dumating.
Facebook ang nagbalita sa amin na lumubog agad ang Manila, Nlex, Malolos, Balagtas, Guguinto at Bulakan! Facebook din ang nagbalita sa amin na lumubog na ang ancestral house namin na malapit sa kabayanan ng Malolos... at anong gulat namin na pati mga kabahayan sa paligid ng subdivision namin ay lubog na rin sa baha.
Mabilis ang pagtaas ng tubig. Lahat ay nabigla. Sa loob ng apatnapung taon, ngayon na lng ulit nangyari ang ganito. Lubog ang aming ancestral house...
.....nalunod ang mga anay na nagpi fiesta sa first floor ng aming 175 years old nang bahay. Mabuti rin ang nangyaring baha, nakatipid sa solignum at nawala na din ang mga mabahong kalat ng mga pusang nakatira sa kisame ng bahay na nagdudulot sa akin ng allergy. Hehehe
Nilalagyan ko lamang ng nakakatawang pananaw ang nakakabiglang pangyayaring ito.
(Malolos Crossing )
Nabura daw sa mapa ng probinsiya ng Bulacan ang Malolos. Walang madaanang walang tubig. Naalala ko ng panahon ng Bagyong Ondoy, hindi bumaha sa Malolos gayung lumubog ang lahat ng parte ng Bulacan.
( Near Bulacan State University, McArthur Highway )
Hanging habagat lang pala ang magpapalubog sa Malolos, hanging nagdala ng walang humapay na ulan. Teka, eh ganun din nung Ondoy ha... ano ang kaibahan? May dapat ba taung sisihin o punahing mga pagkukulang sa bayan? Mmmm...
(sub road leading to Bulakan by South and Malolos Proper by North)
Wala naman. Sadyang gawa ng kalikasan (?). Sadyang may mga dahilan sa bawat nangyayari. Ano man ang mga iyon, malamang ay may mga personal na application ang baha sa bawat naninirahan dito.
( Malolos Proper near the Malolos Cathedral)
Tuloy pa din ang buhay, kahit na bago few days ago, nasunog ang Malolos Market.
(Front of Malolos Cathedral )
(Front of Malolos Municpal Hall)
Pero market lang ang nasunog hindi ang business passion ng mga tao. Ika nga, ang lahat ay nasa isip lamang. At ngayong may kalamidad, hindi makapagpapalabas ng araw ang paghihinagpis dahil sa baha. Hindi matutuyo ng luha ang baha...dadagdag pa nga! Hindi rin mapapahupa ng galit ang hanging habagat. Isa lang ang pwedeng magpahinto ng lahat at magpabalik sa normal ng lahat ng bagay...
isang mataimtim na panalangin , " Lord, let the sun shine in and bring all things back to normal again."
Ginising kami ng init ng araw kaninang umaga, Agosto 9, 2012. Unti-unti nang humuhupa ang baha. Matatapos na ang saya sa aking bahay na naging evacuation center ng aking mga mahal sa buhay na nakatira sa aming ancestral house, dahil uuwi na sila bukas. Naging reunion ang dulot ng baha sa amin. Tuwa, saya, ingay at ligaya. Marami din akong napag-isipan sa mga panahon ng ulan at baha na nagpalinaw ng ilang mga bagay .
Matatala ang panahong ito sa kwento ng Malolos ...."nang Palubugin ang Malolos City ng Hanging Habagat",
at ng buhay ko......... " Nang Maistranded si San Goku at Nakuha Ko ang ika-4 na Dragon Ball."
...to be continued
Palaisipan ba? Kaya nga "to be continued"..... ^.^
No comments:
Post a Comment