Wednesday, March 21, 2012

Tattoo

Nauso ang tattoo.... and you can place it in any part of your body. Pati nga kilay at lipstick ay tina tattoo-an na din... para yan sa mga tamad mag-ahit ng kilay at mag lipstick, pwede rin sa mga hindi marunong mag-ahit ng kilay at mag lipstick ng hindi nadadamay ang mga ngipin!



Tattoos originated from the tribes as early as the time of Nimrod. Tattoos have different meanings. It is also a symbol of rank or title of a person. Ngunit sa panahon ngayon, iba na ang ibig sabihin ng tattoo -- dekorasyon sa balat!



I had mine... pero henna lang... ayokong sugatan ang aking balat, ayoko ng masakit na dekorasyon. Ipinalagay ko ito sa aking lower back.... at first time ko yan... at hindi na naulit pa.
Isang kaibigan ang gumawa ng tattoo ko... ayoko sa labas, o sa ibang tao.



Palakpakan ang mga miron ng matapos ang tattoo... sabay toss ng mga basong may lamang san mig lights! Awts!

" Para sa bibeng gala! "
" Para sa bagong bibeng gala! "
" Hindi na manang c tisha!! "
" Hindi na tanga ang bibeng gala! " Hahahahahahaha!
" Lagot ka sa pamilya mo... hahahaha! Gilit sa leeg aabutin mo! Adobong bibe labas mo! hahaha!



The next Monday, umalis ako ng bansa. Iyakan ang mga miron sa telepono... parang hindi na aq babalik..

"Bakit umiiyak kayo?"
" Kasi baka maligaw ka.. hindi ka na makabalik ! huhuhu"




Hindi dekorasyon sa aking likod ang tattoo-ng ginagawa ni Mokong. Isa siyang simbolo.... ng pagkamulat, paglaya , pagbabago at pagpapatawad.


...pagkamulat --- -hindi nakakahon ang lahat ng bagay, lalo ang God.. tayo lang ang naglalagay sa kanila sa mga kahong likha ng ating isip at mga desires na maabot ang kung ano mang bagay na gusto nating maabot. Lahat ay maaring mabago at magbago. Hindi tayo ang may hawak ng panahon at mga pagkakataon- collision!

....paglaya --- sa tradisyon at kaugaliang nagdudulot ng lungkot at humahadlang sa saya.
sa galit, pagkaawa sa sarili, sa lungkot, sa etc.. blah! blah! blah! Name it-- you bullseyed it!


....pagbabago --- mula sa lumang ako sa bagong ako.


... pagpapatawad -- ano man kasalanan nagawa sa akin, gaano man kalaki....I forgive. No explanation needed., all records deleted.


Hehehehe! idinisplay ko ang tattoo at na shock ang mga dapat ma shock.... nanlalaki ang mga mata sa hindi pagkapaniwala! Ala, eh bakit? Ano ba kaibahan ko sa ibang babae?Pare-pareho din naman kami ng parte ng katawan! Pero ang mga aadobo sa akin ay naiwasan at ng malaman nila ay malabo na ang henna! hahahahaha


Masarap ang malaya sa isip, damdamin at pagkatao. Hindi naman ibig sabihin ng kalayaan ay pagkasira na ng lahat ng iyong pinanghahawakan, pinaniniwalaan at iniingatan. Mali kasi ang intindi natin minsan sa kalayaan at sa grace ng God. Madalas kasi mukhang pagawaan ng kahon ang ating kaisipan... kaya ang ating saya ay may limitasyon at kulang. Naiiintindihan ko kung bakit nais pa nating mahirapan ang ating sarili samantalang pinadali na ng God ang lahat ng bagay para sa atin.


Bakit tattoo?? Simple lang. Upang hindi malimutan habang nabubuhay.


Saturday, March 10, 2012

Sapatos at Tsinelas


Madalang ang mga posts ko dahil madalang din ang aking mga paggagala. Hanggang ngayon naka " house arrest " pa rin ako... 'Yan ang tawag nila sa kasalukuyan kong kalagayan matapos kong tumigil at mamahinga sa work...... sa madaling salita, madalas akong nakakulong sa bahay.

Pakiramdam ko, biglang lumaki at lumawak ang mundo.


Pumasok ang 2012 na hindi man lamang ako nakapaghanda sa mga pagbabagong maaring dumating..... ang tanging nasa isip ko ay kailan kaya matatapos ang mahabang bakasyong ito. Ni hindi ako nakabili ng bagong shoes. Isang kaugaliang ginagawa ko bago pumasok ang January 1 ng bawat taon...... para sa bagong lakad at sistema ng buhay para sa bagong taon.



Ngunit nakahabol ako, ang masaya sa kwento, hindi aq bumili....... niregaluhan ako! Ang saya! At ang mas masaya --- dinala ako sa SM Shoemart, pinamili ako ng gusto ko at sila ang nagbayad !


Ito'y hindi na bagong karanasan sa akin...

( Minsan ko nang nabanggit na maraming katawagan at paghahambing akong natamo ... daig ko pa ang kumuha ng psycho test! hahahaha! May bago akong name ngayon ---


..... Astrogirl.... female version ni Astroboy. (Loka talaga si Mayora! ) -- dahil nakita niya ang oxygen tank sa bedroom ko. Lagay ko daw sa bag ko ang tank pag umaalis ako at isalpak ko sa nose ko ang tubings.... parang headset lang! Waaaaaaaaaaa!



Minsan iniisip ko kung ka respe-respeto pa ako sa mga tao sa paligid ko.... Marahil ang mga katawagan ay nalikha dahil nasasalamin ang pagkatao ko sa bawat aking ginagawa. Ngunit ayokong maging seryoso.... takot ako sa wrinkles! nyahahaha!)



Ngunit balak ko ang magbalak ng maraming kabalakan para sa ikauunlad ng bayan... kaya tuwang-tuwa aq sa bagong mga sapin sa paa!


Sapin sa paa-- bagong lakad, bagong direction.


Sana ang magandang simoy ng hangin ng taong ito ay magpatuloy hindi lang sa akin kundi maging sa maraming tao na nag nanais ng maganda, simple at tahimik na buhay. Madaming maganda sa taong ito..... kabilang aq dun! hahahahhaha!



Magpalit na din tayo ng mga bagong sistema at layunin sa buhay kung hindi na uubra ang dating nakasanayan.