'san pa... eh di sa Nova !!
I passed by along Sauyo Road.... Sauyo market. Ui, di ko malimutan na nag so short cut ako dyan papuntang Fairview ! Ano ginawa ko sa Fairview? Wala lang, sinindak ko lang ang sarili ko at natutunan ko ang daan.
Nagkaharap-harap kaming magkakaibigan... hindi ko akalaing sa loob pla ng 2 taon ay mabibilang sa 5 daliri ang mga pagbisita ko ko... at napakarami ko ng hindi alam, ngunit sa dami ng mga bagay na hindi ko na alam ay ang malaman ang isang malupit na sikretong nagpataas ng aking kilay ....
" hindi pala sapat ang matapat na pagmamahal upang manatiling tapat sa iyo ang isang tao... ang katapatan ay bahagi ng pagkatao, kahit anong katapatan ang gawin mo, kung hindi ito pagkatao ng isang tao, imposibleng makatanggap ka ng katumbas na katapatan."
Sadyang may mapalad at hindi mapalad.
Ngunit hindi na ako nagalit sa aking nalaman dahil ito ay tapos na... tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi na masakit sa bangs !! Tinawanan ko na lng ng malakas at nasabi kong mapalad pa din ako !!
Lahat ng aming pinag tripang awitin sa videoke ay mga lumang kanta na nauso pa yata nung ako ay high school pa... ang iba ay kapanahunan pa ng aking ama. Mas maganda pa din ang mga lumang kanta ! Sino me sabi?..... Sila!!! ei, sila un! Nalibang din aq... masaya! super!
Backride ako sa motor...as usual, as always........ ang lamig ng hangin....pabalik sa mga dating daan pauwi at paikot-ikot. Nagpasalamat ako sa Dios... napagtagumpayan ko ang mga dating sakit ng mga daang aming dinaanan ....mabait ang Dios!
At ganun pla katagal na absent ako sa areas na ito! at nag mahabang paglalakbay ay nagtapos sa isang tasang kape !!
"Kelan ka babalik?" Tanong sa akin. " Huwag kang magpapayat. " Paalala.
Wala akong nasabing panahon. Isa lang nag naisip ko :
Ang buhay ay paglalakbay... gaano man kalayo ang iyong narating.... gaano man kataas ang iyong naabot, babalik at babalik ka sa mga simpleng bagay na iyong nagisnan.... sa mga taong iyong naiwan... sa mga pangyayaring nagbigay sa iyo ng aral, upang malaman mong masarap pala talaga ang mabuhay at gaano ka kamahal ng Dios sa kabila ng iyong mga kasalanan at kamalian. Hindi mahalaga kung ano pa man ang nagawa sa iyong mali... ang mahalaga ay natutunan mong magpatawad, lumimot at tulungan pa ang mga taong nang walanghiya sa iyo... na hindi sapat ang kasamaan ng isang tao upang iwasan mo siya. Ang mahalaga.... naramdaman mong tao ka din !
" you don't deserved these things...."
I know... let it be.
It's not the question.