Matagal akong nawala sa sirkulasyon, mahigit kumulang dalawang buwan din. Kahit ang Farmville ko ay napabayaan ko din kaya naunahan akong mag level up ng mga neighbors ko na dati ay di malaman kung paano ako uunahan! Talagang ganyan siguro. May nauuna na nahuhuli at may nahuhuli na nauuna. Kagaya ko!
Ang pagkawala ko ay dahil sa aking lumalang tonsillitis! Kinailangan kong magpahinga. Magpahinga daw ako sabi ng doktor! At ang command na ito ay nagmistulang “emergency” na parang “fire” alarm sa pamilya ko: lahat sila gusto akong itali sa kama para makapagpahinga! Naman!
Sa mga ganitong pagkakataon umaandar ang aking “Houdinni thinking”! Sa dami kasi ng trabahong nag-iintay ang aking atensyon. Bakit ba naman di pa itinaon sa bakasyon ang sakit na ito? Nakakainis! Lalo pa’t nakataas ang kilay ng lahat ng DepEd Supervisors sa panahon ngayon ng checking of forms ng mga estudyante! Ang hirap nilang i-please! Parang mga nagpapautang ng 5/6!!
Kaya nga di ako makapahinga…
Eh, nadapa ako!
Ayun! Kaya napilitan akong magpa house arrest!
Ginugol ko ang aking panahon sa pagtulog,pag-inom ng mga gamot, pagkain, pagbabasa at panood ng television. Badtrip ang ganitong istilo ng buhay para sa akin! Pero tiniis ko. Nilunod ko ang aking pagkainip sa pagbabasa ng aklat ni Kiko. Pinilit kong aninawin ang maliliit niyang drawings para maintindihan ko ang mga sinasabi niya. And mind you, napatawa niya ako! Di lang ako natawa kundi marami din akong natutunan sa aklat niyang “Alab ng Puso”: naiintindihan ko ang dilema ng mga estudyante sa mga guro at sa pag-aaral. At maya-maya lang sisimulan ko na ang kanyang librong ” Die! Die, Evil Die!”, ang aklat na dapat munang basahin bago ang “Alab ng Puso”! Ha ha ha ha! Paurong akong magbasa! Di na bago ‘yan- ugali ko talaga yan!
Noong college ako, di ko maunawaan ang Noli Me Tangere kaya binasa ko muna ang El Filibusterismo! Ayayay! Saka ko lang naunawaan si Rizal at bakit sinulat niya ang 2 aklat na ‘yan na pahirap sa mga college students!! Pero Rizal Life and Works ang isa sa paborito kong subjects!
Marami akong tiniis maliban sa “house arrest”. Tiniis ko din ang hindi paglalakbay, paggala sa mga friends, pagpupuyat, pagsama ng loob- dapat lahat masaya.. at ang walang kaayusan sa bahay. (Maayos naman daw, pero feeling ko hindi eh.) Marami-rami din akong di magawa. Di tulad ng dati.
Ngunit sa mga panahong ito ko na realized na hindi pala ang mga nagpapasaya sa akin ngayon ang makapagpapasaya ng walang hanggang panahon sa akin. Naunawaan ko na hindi pera, hindi pamilya, hindi career, hindi kaibigan lang ang maaring makapag kumpleto at makapagpasaya sa buhay ng isang tao. May higit pang kasiyahan at kapayapaang makikita sa MayLikha sa atin na maaring mailagay sa ating puso na lalong mas makapagpapasaya kasama ang mga bagay na meron na tayo, sa ating buhay! Kung kaya’t hindi natin kailangang masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa ating buhay.
Kung ang kasiyahan at kapayapaan ay galing sa aking kalooban, walang hirap,karamdaman, pagkabigo,kapansanan, kawalan at kalungkutan ang maaring magpalungkot at magpa give up sa akin.
‘Yan ang aking natutunan ng ako’y ma bad trip sa aking pamamahinga.
No comments:
Post a Comment