I was hurrying yesterday to submit my annual report to the Securities and Exchange Commission in Ortigas. Antok na antok aq dahil sa pag ra rush ng report the other night. I said to myself, sa bus na lang aq matutulog.
Punuan ang bus. Puno na pero nagsasakay pa.
Pinilit kong maging walang pakialam na tao...kasi antok na antok ako... anyway, matulog man ako-- malaki naman shades ko, hindi halata.
Nang may sumakay na mag nanay sa gitna ng kasikipan ng bus. Naka heels ang nanay at maiksi ang bistida, na hindi malaman kung hihilahin nya pababa o pataas ang damit na maikli na ay maluwang pa. At ang anak na feeling ko ay 2 years old lng ay pinaupo sa istribo. Napapaligiran kami ng mga lalaking parang sabay-sabay na lumingon sa labas ng bus. Ang lakas mag preno ng bus driver.... NLEX eh. at naantala ang aking balak na pagtulog.
"Miss, dito ka na sa upuan q. "
" Ayy wag na po." sbi ng babae.
" (Pakipot !) Ok lng miss, kawawa naman ang baby mo.'"
Ako un...ako ung nagbigay ng upuan ko at ako ang tumayo sa estribo. Ang mga lalaki sa paligid namin? Nagkaisa yatang matulog. haayy! Hindi q hinihintay na may magpa upo sa akin. Alam kong wala..nagtataka lng ako... sa kasabay bang lumipas ng stone age ang pagiging "gentleman" ng mga lalaki?
Ten in the evening na ako natapos mag administer ng NLP therapy sa isang company. Ang haba ng pila ng fx sa Sm North. Kung i eestimate mo, malamang 12am na aq makakadating sa Bulacan kapag nagtyaga akong pumila. Iba na talaga ang mga babae ngayon : May dumaang bus going Apalit, Pampanga...lima kaming tumakbo at nag-unahan patungong edsa upang parahin ang bus. Hindi ko na inalintana, umakyat na ako ng barandilya na naghihiwalay sa SM compound at sa EDSA.. ang ibang mga kasama ko ay sumuot sa ilalim, o di kaya ay umikot. Safe! Nakasakay aq. Iiling-iling ang kaibigan kong naghatid sa akin sa sakayan. haha.
"Okay lang ako." senyas ko sa kanya.
Sa loob ng bus, madami ding mga lalaki -- parang walang nakitang mga babaeng nakatayo. Iba na talaga.
Madalas natatanong ako kapag nakikiupo sa mga umpukan ng mga kaibigan, o mga matatanda sa kung saan-saang lugar ko nakikita.
"Bakit di ka pa nag-aasawa?" 'Yan ang tanong na naasiwa akong sagutin dahil kahit ako hindi ko alam bakit hindi pa rin ako nag-aasawa. Marami akong inimbentong dahilan, at ako mismo ay nangawit na isagot ang aking mga dahilan. Hanggang I came out with a better answer that satisfies my mind:
" Wala lang po. Tinatamad po kasi ako."
Pero di ko akalaing may pambara palang sagot sa non-evasive answer na naimbento ulit ng tamad kong isip.
" Aba, kung tinatamad ka.--masama yan. Hindi na bumabata ang panahon." Sabay dugtong na :
"Eh, may napupusuan ka ba naman kahit tinatamad ka? " Sabi ko na hahaba eh.
" Meron naman po."
"Aba, eh ano ginagawa mo?"
"Tinatamad nga pows!" umiikot na mga mata ko. Kailangan ko nang maging isang cape crusader!
" Hoy, maria teresa kung gusto mo ang isang lalaki, huwag ka na magmabagal. Sabihin mo na nasa kalooban mo. Sige ka baka maagaw yan!"
"Ano? Ibig nyo sabihin ak manliligaw??!" tumaas ang isang kilay ko.
" Aba bakit? Masama? Uso na yan ngayon! "
" Pwes sa akin, hindi siya uso!"
" Nakuuuu hindi na nakakahiya 'yun."
" Ano ba? Tamad nga eh..walang gamot dun!"
"Katangahan ang walang gamot. Ang katamaran meron !"
Hindi naman ang katamaran ko ang issue. Ang issue ay " uso na yan ngayon." "hindi na 'yan nakakahiya"--- na babae na ang nag da da moves para makakuha ng boyfriend at asawa. Namamangha ako sa katapangan ng maraming kababaihang gumagawa nito. Napapanood ko pa nga sa mga tv shows ang mga ganitong katapangan. At may mga nakilala din akong ganun ang ginawa at may happily ever after naman.
Isa pang namamangha ako ay ang kausuhan ng mga older women marrying younger or even younger men. O much older women in a relationship with much younger men. Sabi ng mga nainterview kong mga kalalakihang may mga gf na older women, ang dahilan ay maturity in handling relationships, confidence and security. Awww security! Mystica, a singer married a 23 year old man and Ai-Ai Delas Alas married a 27 year old guy. And these women are in their late 40's.
Maging ang set up ng pag-ibig ay naiiba na din sa paglakad ng panahon. At ang kakayahan ng mga babae ay nadadagdagan --nagiging masculine na . Iyan na ang tinatawag na equality of both sexes. An effect of liberalism. Hindi naman iyon masama. Liberalism is enlightenment to something much better. Pero kung ako ang tatanungin -- ayoko sumabay sa pagbabago patungkol sa pag-ibig. Mas prefer ko pa din ang lalaking kaedad ko o mas matanda sa akin ng konti.
Maging ang paraan ng pagpapalaki ng mga anak ay hindi na rin katulad noong araw. Masyadong istrikto ang mga magulang noong araw. Conscious sa pagtuturo ng magandang asal sa mga bata.Nakatutok ang mga magulang sa paglaki ng mga bata. Ngayon, ang mga magulang ay busy magtrabaho mula ng mauso ang parehong magulang ay nagta trabaho. Ang nag-aalaga ng mga bata ay ibang tao o mga kamag-anak. Ang libangan ng mga bata ay ipad, computer desktop at cellphone.. at pagkatapos magrereklamo ang mga magulang bakit tamad mag-aral, hindi makatapos mag-aral at walang modo ang kanilang mga anak.
Maging ang mga karamdaman sa katawan ay naapektuhan na rin ng mga pagbabago. May dengue nang walang lagnat-- pag labas ng lagnat, tepok agad ang maysakit. Ang mga sakit na nong panahon lamang ng depression lumabas, ay lumalabas na din sa kasalukuyan gaya ng cholera. Tumutubo na ang cancer kung saan hindi mo akalaing tutubo siya. Makatubo na lang ba? At karaniwan ng mga sakit na matitindi sa kasalukuyan ay .... walang gamot!
Hayy, napakaraming nabago sa daigdig. Sa prinsipyo at values ng sangkatauhan. Maliban na lamnag sa sistema ng pulitika ng Pilipinas, na panahon pa ng kastila ang sistema, at kahit sinong umupo bilang mga opisyales ng pamahalaan, ay hindi masolusyunan. Ang katiwalian at pang-aabuso ay matanda pa sa humukay ng ilog Pasig, ay iyon pa din hanggang ngayon, naging moderno na nga lamang ang mga kasangkapan sa katiwalian. Kung pinag-aaralan lamang ng bawat nauupo sa pamahalaan ang history ng Pilipinas, marahil, maunlad na ang bansa. Marahil maging ang mga mamamayan ay tatalino rin.
Ngunit may isang hindi nagbabago kahit mabago ang lahat ng bagay-- ito ay ang God na hindi nagbabago ng pagmamahal sa atin. Ang sabi Niya sa aklat ng Isaiah, " Sasamahan kita hanggang sa iyong pagtanda. At sa iyong pagtanda, Ako ang iyong magiging kalakasan.". At ang sistema ng paglapit sa Kanya ay hindi Niya binago mula pa noon: " Isang panalangin lang na may pananampalataya."
"Hindi ko malaman kung bakit
kahit sabihin mo sa akin na huwag ako magsalita ng tapos,
hindi pa rin nababago ang aking pagtingin,
at kahit anong pang-iinis
at pagbabagong naganap
.hindi q magawang tumalikod
mula sa iyo."