"Dai' kam a'mande'
ni bohe' bidadali'.
M'bal tapamandi'an.
Bai pagsumbalian.
Ai bai' sinumbali?
Kuting-kuting janggi.."
Inaaral ko iyang generational rhyme ng tribo. Sabay-sabay nilang binigkas sa aking harapan habang kami ay kumakain. Hala, kabisado ng madla, matanda man o bata. At aming nire recite habang naghahanda sa pagnanakaw ng sandali ----- na makapaligo sa dagat!
Hindi na naman aq umuuwi.. ayoko na yatang umuwi. Nalilibang ako sa trabaho at sa mga ginagawa ko sa community. Lalo na ngayon, napapansin kong tinatablan na ng katandaan si Daddy. Sixty seven years old na ang tatay ko. Marahil sanhi ng mga kapaguran at tensyon niya sa mission ang mga nararamdaman niya ngyon. At kailangang kasama niya ang kanyang tagapagmana -- syempre, ako un! Tagapagmana nga ako..... tagapagmana ng mga kunsumisyon niya! hahahahaha!
Tingnan nganatin ang mga pwedeng matutunan mula nang hindi aq umuwi.
Baguio
Mahalaga ang pahinga. Nakakamatay ang sobrang trabaho. Hindi mabunga ang gawaing hindi mo na-eenjoy nang gawain.
Masarap palang maging unica ija! hahahahaha
Minsan kailangan mong harapin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo upanag malaman nilang...... dapat ka pala nilang katakutan!
Daet, Camarines Norte
Hindi natutulog ang Dios. Hindi ka Niya tatantanan hangga't hindi Niya natutupad sa iyo ang kanyang plano. Gagawin Niya ang lahat upang makita mo kung gaano ka kahalaga sa Kanya at gaano kaganda ang plano Niya sa iyong buhay.
May sense of humor ang God. Dehins Siya kj ! Happy Siya kapag happy ka at sad pala Siya kapag sad ka.
Baguio...... ulit! twice in a month.
Malalaman mo ang tunay mong damdamin kapag malayo ka sa lahat ng tao. Matatagpuan mo ang sarili mong nagtatapat sa sarili mo.... na getz mo?
Ang 2013 ay Season of Fire.
Paano ko nalaman? Dapat pag nagbabasa ka ng aklat at nanonood ng mga palabas sa tv-- nag-aaral ka din hindi lamang naglilibang.
Batangas
Tribal Wedding- Sa panahon ngayon, hindi na ang gusto mo ang laging nangyayari. Panahon na ngayon ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Nagpapakasal ang mga hindi mo akalaing ikakasal, at naghihiwalay ang mga wala sa hinagap mong maghihiwalay. Ano pa man sa mga iyon--hindi ako apektado...hehehe, single aq eh. !
Bulacan
Si Meow at c Pingu....6 yrs old & 5 yrs old. Noon 'un. Now, 25 yrs old at 24 yrs old na. May additonal pa...c big meow at c zebby baby! Lalong sumaya ang buhay ko. Sila ang mga inuuwian ko ng sandamakmak na starbucks pastries, damit, pera, at panahon. Sila ang dahilan bakit bumabalik ako ng Bulacan.
Bawal ang malungkot at galit sa bahay nila! nyahahaha! ...bahay nila! brooom brooom!
Masaya ang pamilyang may panahong magtawanan. May panahong magka sama-sama. may panahong magturuan sa isa't-isa. May panahong wala munang ibang bagay na mahalaga kundi kayo lng.
Badjawan
Masarap ang buhay kapag simple lang. Hindi naman kailangang magkaroon ng lahat ng bagay para sumaya at mapaligaya ang mga mahal sa buhay. Minsan, hindi naman nila kailangan ang pera mo...sapat na ang attention, hugs, kisses at tatlong beses isang araw na pagkain.... ang ibang mga bagay ay malalampasan din.
Feeding Program
Nagpapakain kami ng 93-120 na mga batang Badjao, 3 times a week. Ang mga batang ito ay galing sa ibang community. We monitor their weight. Unti-unti ibinibigay namin ang mga kailangan nila para sa kalusugan.
Naiinis si mommy sa akin kasi maarte akong magprepare ng pagkain... sa dami ba naman!
Minsan kailangan nating tumigil at tingnan ang paligid natin. Mapapansin nating higit na mapalad ang marami sa atin na madalas ay may mga sobrang bagay sa buhay. Kung dadamahin lamang natin, walang puwang para sa kalungkutan, frustrations at depression.
ituro natin sa mga bata ang pagpapahalaga sa buhay, panahon at pera upang lumaki silang responsable sa sarili nilang buhay.
Housewarming
Ang tunay na nagmamahal..... lumilipat ng bahay ! nyahahahahaha!
Ang mag wait sa Lord ay tunay na masaya! Busog ka na, nakangiti ka pa!
Batangas Bay
Hindi lahat ng panahon malalim ang ilog...nag lo low tide din. At pag low tide...magagawa mo ang hindi mo pa nagagawa sa tanang buhay mo.... mag traffic sa gitna!
Bahala ka nang mag-interpret ng sinabi ko para sa sarili mong buhay. Kanya-kanya tayo ng pananaw. Ano man ang pananaw mo tiyak na nakaka impluwensiya ito sa iyong buhay pati sa mga tao sa paligid mo.
" Halinang maligo
sa dagat sa tabi ng bahaghari.
Hindi pwedeng paliguan
dahil iyon ay banal.
Ano ang nagpabanal?
Naligo doon ang itim na kuting."
Kagaya ng "Magpakailanman".... mukhang napakalayo ng aking pamagat sa laman ng aking kwento.